Saan Daang Pulo
Pulo 100
12 Nov 2010
Re: Remove the dikes in 100 isles
Isang Daang Pulo May Hiwaga
Isang Daang Pulo Biyaya ng Diyos na nakakaaya Ito ay humahalina sa mga lokal at dayuhang turista
Isang Daang Pulo may isang daang hiwaga Sa lahat nakatago ng ilang dekada.
Isang Daang Pulo likas na ganda iyong makikita May kweba, isda at taklobo pa.
Isang Daang Pulo iba iba ang paanyaya Sa likas niyang ganda
Isang daang pulo, pangalan ay iba iba May Quezon, May Childrens at May Big Brother Na
Isang daang pulo, tuklasin ang likas yaman nya Isang daang pulo, puno ng hiwaga
Isang daang pulo na iproklama bilang PP 667 Upang ito ay maging Reservation at protected area.
Isang daang pulo humahalina Sa makapangyarihang may mga pera
Pati isang La Liga nakialam na sa pagbalangkas raw ng polisiya,
Di ba nila alam na may hiwagang Nakatago sa mga isla?
Anong polisiya ang gagawin nila Kung walang pag sisiyasat sa nakatagong ganda
Sabi nga nila wag gamitin ang isla sa komersyo
Upang di masira ang likas na yaman nya
Ngunit bakit mga fishpond nag lipana?
Mga hiwa-hiwalay na mga isla, dugtong dugtong na
Ano nga ba ang hiwaga sa isang daang pulo
Natural na ganda nawawala na
Ilang dekada na pala mga fishpond naglipana Likas yaman nya dito nasisira
Ngunit alam ba nila may Bolodeco, at mga Braganza, May Garcia, at Taiwanese Na, Nag mamay-ari daw ng mga fishpond sa mga isla?
Kanino nga ba gagawin ng La Liga ang mga polisiya,
Para sa proteksyon ba ng isla o sa mga namamahala?
Share your Comments or Reactions
Powered by Facebook Comments