The greater sin?

By October 27, 2010Punch Forum

Silvestre A. Rayos. Jr.
20 Oct 2010

Re: When clergy speak out

Edwin,

Congratulations fo being married to the same woman for 44 years and counting….

Magaganda talaga ang mga kababaihan sa atin dito sa Pangasinan lalo na sa Dagupan. Kumbaga sa pagkain, maalat-alat ng kaunti, dagdagan mo lang ng kaunting paminta kumpleto recados na he!he!he!

May sinusunod na doctrina ang mga religious organizations,
 may tinatawag silang hierarchy na kahit sumangayon lahat ng tao sa RH
bill tututol pa rin sila dahil taliwas ito sa kanilang pangaral.

Nasa ating mambabatas ang magsulong
 ng batas para sa nakakarami. Sa Italia na kinaroroonan ng Vatican, a country within a country, mayroon silang divorce, women’s access to family planning method, or even abortion.
 Dito sa Pilipinas paurong ang takbo ng pag-iisip ng ating mga kababayan.

Which is a greater sin?? To create more children na di kayang mabigyan ng magandang kinabukasan or practice responsible
 parenthood through natural and artificial means. Sa natural methods
 malaki ang tsansang pumalya.
 Nasa mga magulang ang may karapatang pumili kung ano ang nakakabuti sa kanila.

Ito lang po ay aking personal na pananaw.

Back to Homepage

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments