Spare the fish pens!
Ronnie de Vera
25 Oct 2010
Nananawagan po ako sa aking mga kababayan na taga Pangasinan na sana naman mayroong maglakas ng loob na maghain ng petisyon sa ating gobernador, para naman maibalik sa atin ang karapatang mamuhay ng maayos at marangal sa tamang paraan.
Paano pa kaya mabuhay ang isang pamilya na doon lang sila umaasa sa pamamagitan ng pangingisdang yon? At least kahit papano di sila nagnanakaw para lang may maipakain sila sa kanilang pamilya.
Sa ginawa ng ating gobernador na pagtanggal ng mga fishpen or sky love na ang tawag ay puket, lalo lang nyang pinalala ang nakawan sa ating probinsya.
Sana mabigyang pansin ang panawagan kong ito. Maraming salamat.
Share your Comments or Reactions
Powered by Facebook Comments