Those foreign student pilots

By July 14, 2008Punch Forum

Inggarin
14 July 2008

Merong haka-haka sa PSU Lingayen campus na may mga foreign nationals na nag-aaral daw maging piloto sa bagong Aviation School diyan sa Binalonan. Ginagamit nila ang airport diyan sa Lingayen. Nag papractice daw silang lumipad diyan.

Ang concern ng mga estudyante sa PSU ay ang mga foreign nationals na ito ay medyo suspicious. They carry laptops at medyo they live a very unusual lifestyle.

Dapat imbistagahan ng mga proper authorities ang mga aspiring pilots na ito para naman hindi tayo magkaroon ng trahedya na ating pagsisisihan sa bandang huli.

Baka naman mali ang haka hakang ito. Pero, kailangan maging careful din tayo para hindi na maulit ang nangyari noon sa Philippine Airlines Flight 434 on December 11, 1994.

Hindi kailangan ng Pangasinan ang negative image. Baka ang ating probinsiya ay mapagkamalan na “haven” ng mga taong may intensyong saktan ang kapwa sa naiibang paraan.

Ito ay opinion ko lang naman.

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments