Deretsahan

By November 2, 2015Archives, Opinion

Sad story about Bonuan Binloc

BEBOT-VILLAR

By Bebot Villar

THE successful raid of a drug den in Brgy. Bonuan Binloc is now a hot issue in Dagupan City. That was a most-awaited event for me since this barangay is often mentioned in this column.

Hindi ako nag-plano na pasikatin ang barangay chairman and the rest of his barangay officials. Bumandera man ang kanilang pangalan sa last issue ng Sunday Punch, I will not waste my time getting their names and put them here. Ang importante, na-bukayo na sila!

For me, it was enough that our people know that I’ve been factual about my reports about the officials of Brgy. Bonuan Binloc. That they even came late to witness the raid is very telling. Bakit ganun??!!

The raid and the joint efforts of Dagupan Police and Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) are enough proof na talagang may droga ang barangay at hindi maaaring manatili ang droga sa isang barangay kung walang permiso ang barangay chairman or his officials! Ngunit dahil makapal ang mga mukha nito, “deadma” lang po ang peg nila! Feeling innocent ba?!

Sige lang, magtanga-tanga-han kayo at malapit na ang araw ninyo. Palapit nang palapit ang panahon ng paghuhukom! At ‘wag kayo pakakasiguro na kayo pa rin ang iboboto ng tao!

*          *          *          *

Congratulations PNP-Dagupan and PDEA Region 1!

I am thankful and proud for this recent accomplishment of PNP Dagupan and PDEA-1. Once again, they proved that they can unite and combine forces to eliminate the drug problem in our province.

Maaasahan talaga ang ating kapulisan sa Dagupan City and PDEA Region 1 through the leadership of P/Supt. Christopher Abrahano and Director Adrian Alvarino, respectively. Maraming salamat sa inyong pagtutok sa kasong ito na matagal-tagal ko na rin naman sinusulat sa column na ito. How I wish, ma-duplicate ang efforts na ito ng ibang bayan na lubog din sa problema ng illegal drugs!

It was a successful raid but the war on illegal drugs in Dagupan City is just beginning! We expect the drug trade may slow down a little but the syndicate will not totally leave the place.

Sa nasabing raid, nasa 2 million pesos ang estimate sa shabu na nahuli. Malaking pera po ang nawalang ito para sa mga sindikato kaya’t I’m sure na nagsisimula na rin ang kanilang “think tank” sa pag-formulate ng mga plano kung paano mai-recover ang nasabing kawalan!

Meanwhile, I hope the people of Bonuan Binloc are finally beginning to think about their future in the hands of their incumbent barangay officials. Parents, no doubt, already feel threatened knowing that their children are no longer safe in the barangay with all drug pushers operating in the barangay.

Sad story na naman po ito, ngunit ito ang totoo! Nakakahiya at nakaririmarim na katotohanan ngunit kailangan tanggapin ng ating mga ka-barangay sa Bonuan Binloc. Your present barangay officials cannot and will not protect you. ‘Wag ninyong kalimutan na nagsilbi silang mga bulag, pipi at bingi sa mga transaksyon ng iligal na droga sa inyong barangay!

*          *          *          *

While we are happy about the raid in Binloc, how about the neighboring barangays like Bonuan Gueset which is also heavily drug-affected? Ano ang mangyayari rito??

Hindi na po ito dapat pang tigilan! Dapat regular ang pag-so-sona so that the corrupt barangay officials and syndicate will get the message na hindi tayo basta-basta susuko para sa kaligtasan ng mga kabataaan!

The raids should be intensified to prevent the syndicate to simply relocate to another place in Pangasinan. Ganyan po kasi ang routine ng mga demonyo. Pag nabulabog natin sila, lilipat sila ng ibang lugar kung saan maari pa muling ipagpatuloy ang kanilang ka-demonyo-han!

Let us move forward and continue the long fight to have a drug-free barangay and eventually, drug-free Pangasinan! Long fight po ito dahil hindi ordinaryo ang katunggali natin sa giyerang ito laban sa iligal na droga.

Magkaisa na po tayo na labanan ang iligal na droga!

Back to Homepage

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments

Next Post