Deretsahan
Good news from the frontlines
By Bebot Villar
RECENTLY, thanks to high police visibility in Dagupan City, a group of armed men was arrested by the police while on patrol in Barangay Lucao. Nabuko ang plano nila na patayin ang isang businessman.
‘Yan ang Dagupan City! Dahil sa police visibility na-intercept ang plano. Iba pa rin talaga ang nagagawa ng mga pulis na nagpapatrolya sa mga kalsada. Laking pasasalamat siguro ni Mr. Businessman at ng kanyang pamilya!
Imagine, Saturday ito nangyari in broad daylight! The suspects may not be professional killers but are hired killers. Pero ito, nakitaan ang grupo na may isang .45 caliber pistol at mga sachet ng shabu. Meaning, the group is also into illegal drug trade! Kaya 2 birds in one stone ang nangyari rito.
High police visibility is what we really need. Ito ang pumipigil sa mga criminal elements na ituloy ang kanilang maiitim na plano. And we praise the PNP Dagupan headed by P/Supt. Christopher Abrahano for its effective partnership with Mayor Belen Fernandez. Ang laking bagay para sa mga Dagupeños ito.
How I wish all towns can sustain police visibility but since limited, there are still not enough policemen. Hindi nga pwede ito. But the political will of our local government leaders can do a lot of difference sa peace and order. Kung maganda ang samahan ng mayor at ng chief of police ng isang bayan, sigurado tayo sa magandang performance nito. Kung may conflict naman, talo!
* * * *
Congratulations to P/Sr. Superintendent Rolly Saltat, the newly-appointed OIC at the Pangasinan Provincial Police Office (PPPO) who has a winning strategy – “1-2-3 Punch”!
Kilala ko si Sr. Supt. Saltat at sigurado ako na malaki ang kanyang maitutulong sa ating probinsya lalo na sa problema ng iligal na droga. “Man of Action” ang bagong OIC kaya soon, susulat tayo ng bagong accomplishment!
Personally, I support our new OIC in his aggressive plan to help reduce the crime rate in the province especially the drug-related crimes. Tama ‘yan! The youth needs all the help to be protected from illegal drugs.
Another urgent issue that needs to be addressed is the “Riding-in-Tandem” cases. Nakaka-awa naman ang mga biktima lalo na ang kanilang mga pamilyang naulila nang wala sa panahon. I believe he will do his best to help our people feel that they are safe in their own respective places.
* * * *
Ito pa isang good news!
Another program called “Drug Abuse Resistance Education (DARE) Trainor’s Training” is being prepared by the DDB for the province of Pangasinan.
Para sa kaalaman ng lahat, ang DARE ay nagsimula sa Los Angeles Police Department noong 1983 in cooperation with the Los Angeles Unified School District as a comprehensive, long-term education approach to prevent substance abuse among children.
Sa Pilipinas, DARE program ay 12 years nang ginagawa na sinimulan sa Gen. Santos City. Sa programang ito, kapulisan ang nagsisilbing classroom teachers at nagtuturo sa klase ng mga bata kung paano tatanggihan ang tukso na gumamit ng droga.
I am hoping that this program will be sustained in Pangasinan para matulungan ang mga batang mag-aaral malaman ang epekto ng droga kasama ng iba pang ipinagbabawal tulad ng tobacco at kung paano lalabanan ang tukso na gumamit nito.
Target of this program will be the Grade IV pupils and will be an integral part of the PNP’s existing program, “Pulis Ko, Titser Ko.” There will 40 police officers to participate coming from Police Community Relations; PCOs and PNCOs from the different cities and towns of Pangasinan.
* * * *
Then last June 26, 2015, the Dangerous Drugs Board (DDB) led the annual observance the International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking (IDADAIT) was observed with the theme, “Let’s develop our lives, our communities, our identity without drugs.”
This time it was held in the town of Angono, Rizal. Nagpapasalamat ako kay Gov. Rebecca A. Ynares at Mayor Gerardo V. Calderon for hosting the event.
One of the highlights was the Recycled Fashion Show competition and Art Workshops on mask-making, t-shirt printing; eco-bag design-making and Water Hyacinth-painting para sa mga kabataan! Naturuan din sila tungkol sa entrepreneurship kung paano magpatakbo ng small businesses na hindi kailangan ng malaking puhunan.
We believe that busy minds keep away from drugs.
Share your Comments or Reactions
Powered by Facebook Comments