Deretsahan

By January 26, 2015Archives, Opinion

Are our police helpless?

BEBOT VILLAR

By Bebot Villar

 

THE rash of shooting incidents last week involving motorcycle-riding men as suspects had alarmed Pangasinan residents. At dapat lang dahil sa loob lamang ng dalawang araw, Saturday and Sunday, lima kaagad ang nabaril at napatay.

Then last Tuesday, a shooting incident took place in Dagupan City and in broad daylight! Mabuti na lang at hindi tinamaan ang mga biktima.

Except for the incident in Dagupan City, as usual, tinutugis pa rin ng mga pulis ang mga suspects, as of this writing. At sa mga naulila ng mga biktima, ito ay nakakadagdag sa kalungkutang pinagdaraanan nila.

This has led many to ask: Bakit daw nangyayari pa rin ang mga krimen na ito at parang napaka-helpless ng mga law enforcers in preventing these incidents?

Ano na raw ba ang nangyari sa motto ng Philippine National Police na: “To serve and to protect?”

Are they good only for putting up checkpoints o kaya’y police visibility para bigyang solusyon ang problemang ito? Baka naman there are other strategies na hindi pa nasusubukan?

Shooting incidents take place because the suspects have access to guns. But have we checked where these guns are coming from? Do we know how many licensed and unlicensed firearms are there in Pangasinan?

Mahalaga rin sigurong pag-ibayuhin at palakasin ang intelligence work at mag-share ng intelligence information ang lahat ng mga law enforcement agencies para matukoy agad ang mga criminal personalities and prevent ang anumang plano nilang gawin.

What was also obvious in last week’s incidents was that they took place in secluded places, such as fish ponds, barangay roads and poultry farms, places where check points are not normally set up.

Sabihin man ng PNP na “isolated cases” ang mga pangyayari, sabihin man nila na “generally peaceful” ang ating lalawigan, mananatili pa rin sa perception ng mga ordinaryong mga mamamayan na may problema sa peace and order ang ating lalawigan.

The police should go beyond checkpoints and police visibility and work hard to minimize shooting incidents in the province. At, kailangan din nilang ipakita na kaya nilang kaagad na tugisin at hulihin ang mga suspects.

*          *          *          *

Kung puwede lang sanang i-short cut ang due process, the two Manaoag Community Hospital workers, who billed a patient despite her being covered by the Philippine Health Insurance Corporation, should have been fired immediately!

Overwhelming kasi ang evidence: ang acknowledgment receipt na kanilang in-issue. At sabi nga ng provincial legal officer, sapat na iyon upang masampahan sila ng mga administrative case.

Nakaka-high blood lang that these incidents still happen, lalong lalo na’t ang biktima ay isang maysakit at PhilHealth point of care beneficiary. Meaning, kabilang siya sa mga mahihirap sa ating lalawigan.

Sa point-of-care system kasi ng PhilHealth, agad na covered ng PhilHealth ang sinumang indigent kapag na-admit ito sa isang government hospital katulad ng Manaoag Community Hospital. It’s the provincial government that pays the P2,400 annual premium.

Sa nangyari sa Manaoag, it’s obvious na may mga ilang government workers pa ring nagbabaka-sakaling makalusot sa kanilang racket. They still try to take advantage of others lalong lalo na kung ang intended victim nila ay sa tingin nila’y kayang-kaya nila.

But, as a saying goes, there will always be dead ends. At ito nga nag nangyari sa dalawang hospital workers.

Sana lang, magsilbi itong warning sa mga iba pang mga government employees: kung ano mang katarantaduhan ang kanilang ginagawa ngayon ay dapat tumigil na. At sa mga nagbabalak pa lang, huwag niyo nang ituloy, tiyak pagsisisihan niyo!

*          *          *          *

Isa na namang barangay kagawad sa Malasiqui ang nahulihan ng shabu. Well, I am sure that this was not the first time that a barangay official in Pangasinan was caught involved in illegal drugs.

At sobrang nakakagalit because kung sino pa ang nabigyan ng pagkakataong maging isa sa mga lider ng isang barangay ay siya pa ang nai-involve sa krimen at illegal drugs pa!

Baka akala ng kumag na ito na ang kanyang pagiging barangay kagawad ay isang lisensya para gawin niya ang gusto niyang gawin.

As barangay kagawad, he should serve as an example to his barangaymates, lalong lalo na sa pasunod sa batas. He should be working sa mga ka-barangay niya in fighting everything na may kasamaang maidudulot sa mga mamamayan, lalo na sa mga kabataan.

Sa susunod na election, mahalaga na maging mapanuri ang mga voters in electing candidates. Dapat piliin nila iyong may mga plataporma laban illegal drugs at sinsero sa paglaban dito.

Back to Homepage

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments