Deretsahan

By January 19, 2015Archives, Opinion

Cleaning the Bilibid prison

BEBOT VILLAR

By Bebot Villar

 

TALAGANG serious si Justice Secretary Leila de Lima na linisin ang New Bilibid Prison (NBP).

Last Tuesday, De Lima, accompanied by some congressmen, went to the NBP for the nth time kasi nalaman niya na ang illegal drugs operations inside the NBP ay hindi pa rin huminto despite the series of raids that have been conducted.

While determined siyang linisin ang NBP, she realizes na habang ang mga kontrabando ay tuloy –tuloy na nakakapaslok so loob, she cannot succeed. Nabuo na kasi sa loob ang di kanais-nais na kultura because of decades of neglect and corruption involving jail guards and officials.

Kailangan muna niyang buwagin ang kulturang ito and assert na ang NBP ay hindi isang community kung saan ang mga convicts are free to continue their illegal activities.

There is a system in place but what is needed is the political will of government to enforce and implement the rules, at ipakita sa mga convicts na hindi sila kundi ang mga otoridad sa NBP ang dapat na masunod.

To effectively do this, tanggalin ang lahat ng mga tiwaling guards at officials ng NBP, palitan ng mga bago at taasan ang mga sweldo nila.

Habang nandiyan kasi ang mga iyan, no reforms can succeed at patuloy na maghahari ang mga convicts na mistulang masayang nagbabakasyon sa loob ng bilibid.

*          *          *          *

Every year in the last eight years, we see fewer number of Pangasinan World War II veterans attending the Veterans’ Day celebration in Lingayen each year. In fact, kung hindi lang sinusundo ng mga air-conditioned buses ng provincial government, baka wala nang makaka-attend sa kanila sa pagdiriwang.

Nakakalungkot lang that these veterans are now beginning to be consumed by age and ailments. Marami na sa kanila ang bedridden at marami rin ang ulyanin na at kailangan ng full-time na pangangalaga ng mga kaanak. If they were only 16 years old when WWII broke out in 1941, mga 86 years old na ang youngest sa kanila ngayon.

What’s unfortunate about their situation today is marami sa mga may sakit na veterans ay mahirap ang buhay. They can only depend on their small pension at iba pang benefits as senior citizens.

While they fought together in the war, magkakaiba ang nakuha nilang mga benefits. Some receive pension mula sa U.S. government at sila ang maswerte. But those who enlisted sa military ng ating bansa, umaasa lamang sa kakarampot na pension.

At the Veterans’ Day celebration last week, very emotional ang mga veterans nang gawaran sila ng medallion of valor at bigyan ng konting cash bilang bahagi ng patuloy na recognition sa kanilang heroism in defense of our country.

Sa mga pagkakataong ito at habang buhay pa sila, we should continue to show our appreciation and gratitude. Were it nor for them, hindi natin matatamasa ngayon ang ating kalayaan!

*          *          *          *

This week, the whole country was in a fiesta mood for the arrival of Pope Francis.

All Catholics from all walks of life, ay gustong personal na makita ang Santo Papa. Ang mga iba, nagtungo pa sa Tacloban upang doon na lang hintayin ang Santo Papa.

Pope Francis’ visit to the country took place at a time when our country had just gone through a lot of challenges, especially natural calamities, that put to test the Filipino people’s faith.

Sana, kasamang mabasbasan ng Santo Papa ang mga drug traffickers at iba pang mga kriminal sa ating bansa para matauhan na sila at magbalik-loob sa Diyos at kusa nilang itigil ang kanilang mga masasamang gawain!

*          *          *          *

The news about the series of drowning incidents sa San Fabian beach is alarming.

Nagtatanong tuloy ang marami kung safe ba ang beach o sadyang wala lang sapat na bilang ng mga lifeguards to warn beach goers?

Ang sa akin lang, ang responsibilidad ay hindi lamang dapat i-asa sa mga life guards. May pananagutan din mismo ang mga beach goers.

For instance, children below 13 should always be watched. At kung nag-iinuman naman, dapat awatin na kung sino man ang gustong lumusong sa dagat!

Walang madi-disgrasya kung maingat tayo by sharing in the responsibility.

Back to Homepage

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments