Deretsahan
Drug lords operate inside Bilibid
By Bebot Villar
PUBLIC outrage greeted news reports last week on the discovery of 19 convicted drug lords staying in luxurious condominium-like units inside the National Bilibid Prison in Muntinlupa City.
Imagine, a jacuzzi, cold and hot bath, wide-screen television sets, Wi-Fi and split-type air-condition units in one of convicted drug lord’s cell. Another drug lord’s cell has a generator set and a music studio with top-of-the-line equipment! Kahit sinong ordinary citizen ay galit dahil ang mga kriminal na nakapiit sa bilibid ay hindi dapat na parang nagbabakasyon lang. They are supposed to be punished for their crimes, not to live in style.
May mga high-powered state of the art weapons pang nakatago doon, millions of cash, illegal drugs at mga gadgets! Naging katawa-tawa tuloy ang ating bansa sa buong mundo! Sabi nga nila sa social media: Only in the Philippines!
There’s no doubt na ang mga drug lords na ito ay nakakapag-operate pa rin like nobody’s business inside Bilibid. No wonder, kahit puspusan ang ating campaign contra illegal drugs, patuloy pa rin ito because it is the drug lords inside Bilibid that are directing the operations. Nakaka-high blood talaga.
* * * *
Prisons should incapacitate criminals, lalo na ang mga high profile criminals katulad ng mga drug lords! Pero sa na-discover sa National Bilibid Prison, hindi sila na-incapacitate kundi lalo pang lumakas ang kanilang mga illigal na gawain.
Nagtatanong tuloy ang taong-bayan: Bakit nangyari ito? Bakit kailangan pang si Justice Secretary Leila de Lima mismo ang gumalaw para mabuko ito? Clearly, may kinalaman, kung hindi man kasabwat ang ilang tiwaling officials ng Bureau of Corrections (BuCor)! And true enough, may pahintulot ang ilang BuCor officials para maipasok ang mga kagamitang iyon!
Sa pangyayaring ito, panahon na para tanggalin lahat ang mga opisyal ng BuCor at papanagutin sa kanilang negligence, kung hindi man involvement sa napakalaking iskandalong ito!
* * * *
Last December 10, the provincial government, Dangerous Drugs Board and the Department of Interior and Local Government held the first ever provincial anti-drug summit.
Natutuwa tayo dahil packed ang Sison Auditorium sa Lingayen that day although may ilang mga mayors ang hindi nakadalo. Natutuwa rin tayo sa attendance ng mga barangay captains at mga NGOs mula sa iba’t ibang panig ng lalawigan.
Tama ang ating kumpareng si Gov. Amado Espino na sa illegal drugs trading, the barangay is the market place that’s why for us, ang mga barangay ay ang nagsisilbing battleground. At dahil dito, ayon kay Gov. Espines, the barangay officials have a crucial role in the campaign contra illegal drugs.
Para magtagumpay ang campaign, we need the active participation at involvement ng lahat ng sector sa barangay. Dapat din magkaroon ng strong presence ang simbahan at mga civil society groups bilang tulong sa ating mga barangay officials.
Sang-ayon din ako sa plano ng Espino administration na magtayo ng isang multi-agency anti-illegal drugs coordinating center. Its primary task ay tumanggap ng mga reports mula sa mga barangay, to process and analyze ang mga reports na ito, at magsagawa ng tama at angkop na response sa situation.
To those who wonder kung may magagawa pa tayo laban sa illegal drugs, ang sagot diyan ay isang malutong na meron! At sa mga nagdududa, tanungin na muna ninyo ang mga sarili ninyo: Ano na ba ang naitulong niyo sa kampanya laban sa illigal na droga?
Ang problema ng illegal drugs ay isang problema ng lipunan. At kung ikaw ay bahagi ng lipunang ito, dapat kumilos ka rin para maging mas ligtas ang ating lipunan para sa lahat!
* * * *
Nakaka-high blood din ang news reports na diyan naman sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) regional office sa Dagupan City, ay mayroong mga employees nakapag-claim ng benefits for PhilHealth members gayong hindi naman pala nagkasakit!
Milyon-milyong piso na raw ang halaga ang na-claim ng mga employees na ito since December 2009! Nagtataka lang tayo kung bakit ngayon lang na-discover ito.
Kaya pala naging maugong na may siyam na division chiefs, kasama na ang kanilang regional director, ang na-relieve at in-assign na muna sa head office sa Maynila habang iniimbestgahan pa ang pangyayari.
Nakakalungkot lang na nangyayari pa rin ito sa mga government agencies na nangangalaga ng pera ng mga employees, katulad ng PhilHealth. It’s time for PhilHealth to review its procedures for filing claims for benefits.
Dapat masampahan na rin kaagad ng kaso ang mga PhilHealth employees na involved sa anomalya!
Share your Comments or Reactions
Powered by Facebook Comments