Deretsahan
Police officers now responsible for drug cases
By Bebot Villar
WITH the signing last month of a new law that amended the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, by President Aquino, we can expect more illegal drugs traffickers to be sent to jail soon.
Under the new law, Republic Act 10640 kasi, policemen are already allowed to inventory seized illegal drug paraphernalia at the nearest police station, in the presence merely of a public official and representative from the media or from the Department of Justice (DOJ). In short, two witnesses na lang aside from the suspect/s.
Before this law was signed, ang pag-imbentaryo ng mga nakumpiskang droga ay kailangang isagawa sa harap mismo ng mga suspects, DOJ, media at elected public officials. Kung hindi ito ginawa, madalas, dismissed ang kaso pagdating sa husgado.
This is the reason cited by law enforcement agencies kung bakit mababa ang conviction rate ng mga illegal drugs suspects. (Of course, another story pa rin ang sinasabing hindi pagsipot ng mga police witnesses during case hearings).
And to make sure na magtutuloy-tuloy ang kaso against illegal drugs suspects, ang complainant sa mga kasong isasampa ay ang police officer na lang mismo. It means the responsibility now lies on the shoulders of police officers. Sila na ang mananagot if the case filed is weak or dismissed.
Sa totoo lang, nakaka-dismaya talaga iyong situation na di-dismiss ang kaso dahil lamang sa isang technicality. And because of this, nagiging bold tuloy ang mga illegal traffickers sa kanilang paghahasik ng lagim.
With the new law, sana maging 100 percent na ang conviction rate para mas marami pang mga illegal drugs traffickers ang mabulok sa mga bilangguan.
* * * *
May mga alingasngas na isang high ranking na police official at ang kanyang asawa ang umano’y nag-o-operate ng mga night clubs na nagsilsilbing fronts ng prostitusyon sa Sitio Cupi ng Barangay San Pedro Ili sa bayan ng Alcala.
According to the concerned citizens there, mga batang-batang mga kababaihan, aged 13 to 16 years old, ang pumaparada doon pagkagat ng dilim. Sabi nga ng isang galing na doon, ang bar fine daw dito ay P1,800 at puwede nang ilabas ang babae. Worse, may hinala pa nga na may laganap din na bentahan ng illegal na droga doon.
Ang ipinagtataka lang natin ay kung bakit napaka-helpless ng Alcala police in stopping the suspected drug and prostitution dens na ito. Hindi kaya may tong-pats ang hepe ng Alcala? Nagtatanong lang po.
Mabuti na lang at mabilis din naman palang kumilos si Alcala Mayor Pao Mencias. Isang araw matapos nating ilabas ang reklamo ng kanyang mga kababayan laban sa mga night clubs na nagsulputang parang kabute sa Barangay San Pedro Ili sa Alcala, ay agad niyang ipinasara ang mga ito.
I was also alarmed kasi maging ang aking mga kababayan sa Sto. Tomas are already patronizing the night clubs na ito dahil katabi lang nito ang Alcala. Even the young ones na kumikita lang sa pinagbentahan ng mais at palay ay natuto na ring pumasok sa night club at ubusin ang kanilang konting kita roon!
Sa maagap na aksyon ni Mayor Mencias, pinatunayan niyang wala siyang sinasanto sa kanyang bayan. Naisalba rin niya ang maraming tahanang muntik-muntikan nang mawasak.
I hope that the good Mayor’s prompt action did not end in the closure of the night clubs alone. Dapat may managot dahil sa perwisyong idinulot nito sa mga mamamayan.
Dapat ding imbestigathan at sibakin if necessary agad ng bagong PNP provincial director kung tutoo ang report na involved ang kanyang mga opisyal dito!
Ganoon pa man, nais nating i-congratulate si Mayor Mencias! Sana tularan siya ng ibang mga local chief executives sa buong bansa.
* * * *
Last Monday, agents of the Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) in Dagupan City raided a suspected drug den in the town of San Jacinto and arrested seven persons, including two women.
Sa report ng PDEA sa atin, the suspects were arrested while repacking shabu (methamphetamine hydrochloride) sa loob ng isang bahay sa Barangay Capaoay sa San Jacinto. Nire-repack para ibenta.
Grabe. Mabuti na lang at matalas ang mga mata at tenga ng mga PDEA agents kung kaya’t natiyempuhan nila ang mga suspects. Tiyak, mabubulok sa bilangguan ang mga ito.
Share your Comments or Reactions
Powered by Facebook Comments