Deretsahan

By April 28, 2014Archives, Opinion

Quarrying racket in Villasis hurts TPLEX

BEBOT VILLAR

By Bebot Villar

 

WITH the recent opening of the Rosales segment of the Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEx) ang travel time mula Metro Manila papunta sa aking hometown Sto. Tomas is now shorter

Of course, people from La Union and the neighboring towns in the Northern Luzon benefit from this too. Yan good news!

Ang bad news lang, although it was officially opened to the public only last Wednesday or a day before the mad rush to the north, hindi masyadong naramdaman ang mas mabilis na biyahe.  Naging matagal pa rin ang biyahe because there were not enough toll booths sa exit points ng North Luzon Expressway at Subic-Clark-Tarlac Expressway to serve the big volume of traffic. Naging matagal tuloy ang hintayan bago makalabas ng expressway. Sa dami ng mga sasakyan, hindi magkanda-ugaga ang mga toll tellers!

Then, nagkaroon din ng maraming bottleneck sa Rosales hanggang Sison, especially maraming ongoing road construction din sa MacArthur highway.

After that kaguluhan sa expressways at sa MacArthur highway, I hope naman na the planners ng NLEX, SCTEX, TPLEX at DPWH will learn from this experience and begin to provide more order and efficiency in these areas para hindi na maulit ang nangyari nitong nakaraang Holy Week. Only then will our people appreciate the benefits ng ganitong projects.

*          *          *          *

Speaking of the TPLEX project, nakarating sa akin ang nakakabahalang report na maaring magkakaroon na ng delay sa completion ng expressway dahil sa racket na conceived ng isang bagong nagdu-dunung-dunungan na department head ng local government ng Villasis.

More than one month nang nahinto na ang mabilisang delivery ng lupa from the quarrying site sa Villasis to the construction areas dahil hindi na kayang bayaran ng contractor at ng hauling operators ang “toll fee” demanded from each truck na may laman galing sa quarrying site. Consequently, haulers have moved to much farther quarrying sites causing unnecessary delays. 

At ang nag-control sa racket na ito ay isang mahal sa buhay daw ni Villasis Mayor Libradita Abrenica. Ang sumbong sa akin ay it is this untouchable relative that has demanded the exorbitant “toll fee” (‘in other words, ‘tong’) na ikinalulugi naman ng mga haulers ng contractors.

Ok lang sana kung ang “toll fee” ay pupunta sa kaban ng Villasis. The problem is sa bulsa lang ng close relative ni mayor lahat pumupunta! Por Diyos por santo, maawa ka naman sa mga haulers who are trying to earn a decent living.

Ito ang sakit sa ating gobyerno, mayroon parating corrupt na relative at alipores ng politico na ang tingin sa bawat malaking project ay dapat gatasan, one way or the other.

Paano na lang ang “Tuwid na Daan” ng ating Pangulo. Instead na makatulong itong relative ni mayor ay siya pa ang nagiging dahilan ng pagka-antala. Ayaw ni PNoy ng ganyan!!

Dapat um-action si Mayor Abrenica bago malaman ni PNoy ang kalokohan na nagyayari sa Villasis. Sayang lang ang kanyang mga laudable projects kung mababahiran ang administration nya ng corruption na pinangungunahan ng kanyang very close relative. 

Back to Homepage

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments