Deretsahan

By March 2, 2014Archives, Opinion

Lessons to be learned

BEBOT VILLAR

By Bebot Villar

RECENTLY, the people of Pangasinan became scared matapos ipalabas ang isang TV news noong Lunes ng gabi na may kumakalat umanong sakit sa lalawigan na dulot ng flesh-eating bacteria!  Naku, sino naman ang hindi matatakot sa ganitong balita?

There were two cases shown in the report, at talaga namang kalunos-lunos ang kalagayan ng dalawang biktima dahil sa iniindang sakit sa balat at sa kawalan kuno ng kakayahang maipagamot ang kanilang sakit.

Because of social media, the news spread like fire to other parts of the world! Na alarma pati ang mga OFWs na taga-Pangasinan. Marami nag-email, nag-text o tumawag sa kanilang mga relatives sa lalawigan. Buti na lang mabilis na napuntahan ni provincial health officer Dr. Anna Maria Teresa de Guzman ang mga biktima at kaagad din niyang inihayag na hindi tutoo ang balita.

Iyong babae, may sakit pala ng leprosy o ketong and the other one was suffering from psoriasis, isang sakit na kung saan ang balat ay nangangaliskis! Maraming pang natakot dahil ini-ugnay ng TV report ang pangyayari sa isang umano’y Indian prophet na nanghula na isang disease outbreak ang mangyayayari sa Pangasinan this year. Naku naman! Kaya nga tinawag na hula dahil hindi sigurado.

Anyway, may mahalagang lessons na natutunan sa pangyayari, hindi lamang ng mga mamamayan, kundi maging sa media. Kailangan mag-double-check naman kayong mga reporters ng facts, hindi basta lang meron kayong maibalita ay okay na! Think of the consequences of an inaccurate report. Hindi naman mga artista lahat ang ating mga kababayan na kahit anong klaseng balita ay okay na basta’t may balita!

If only Dr. De Guzman was also interviewed, malamang naging maliwanag ang issue at hindi isang  “mystery illness” na katakutan na ng bayan! Dahil sa isang balitang palpak, nag-suffer tuloy ang lalawigan ng Pangasinan!

Last Tuesday, may mga tourists na nag-cancel na ng schedule nila to Pangasinan.

Imagine, maging ang turismo ng ating lalawigan ay ilalagay nyo pa sa peligro!

Sana all TV and radio stations will exert effort to continue promoting our province as one of the best tourist destinations and investment area para naman mabawi ang mga nawalang oportunidad dahil sa maling balita.

*          *          *          *

A series of raids ang isinagawa ng mga law enforcers last few days sa mga cybersex dens sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ang nakakabahala rito, minors are being used by the financiers to perform different sexual acts sa harap ng webcam para sa hilig ng kanilang foreign clients!

Kung hindi ginagamit sa droga, sa cybersex naman! Paano sila magiging hope of the next generation kung ang mga kabataan ay inilulubog sa burak ng kasalanan? May isang cybersex den pa nga na natagpuan sa loob ng computer laboratory ng isang pribadong eskuwelahan! Can you imagine?

We really need to help each other.  Hindi lang tayo dapat umasa sa galing ng ating mga law enforcers sa intelligence gathering. Dapat kumilos ang pamilya upang makatulong sa pagpigil ng illegal activity na ito.

Just like in our fight contra droga, we need citizens to report ang mga lugar kung saan may cybersex den. Above all, kailangan ay tutok at todo-bantay ang ating mga anak upang hindi masilaw ng mga tukso sa paligid-ligid.  Family love and quality time pa rin ay malaking factor para makaiwas laban sa demonyo.

Back to Homepage

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments