Deretsahan

By November 18, 2013Archives, Opinion

Sympathize with aid, not words

Bebot Villar

By Bebot Villar

 

WHILE Pangasinan suffered immensely from past calamities from super typhoons, massive flooding at earthquake, di hamak na maswerte pa rin tayo compared sa kalunus-lunos na sinapit ng mga taga Central Visayas.

Kaya nga every time the scenes of massive devastation of super typhoon Yolanda are flashed on our TV screens, I’m sure, kagaya namin, ang masasambit ng mga Pangasinenses ay ang mga katagang, “Maswerte pa rin tayo.”

Sa ating experience sa Pangasinan, we never lost hope, sama-samang bumangon, until halos wala nang makitang traces ng mga hirap na dinaanan natin through the years. Hindi natin iniwanan ang ating mahal na probinsya maski anong mangyari.

But we can’t blame the exodus of people from the typhoon-ravaged Visayas region dahil base sa mga kuwento at TV reports, ay images of hopelessness and helplessness naman talaga ang makikita.

Without a doubt those images bothered everyone. Papaano ka nga naman susubo ng masarap na pagkain kung ang mga kapatid natin doon ay walang makain? Papaano ka mag e-enjoy na mag-shopping kung itong mga kapatid natin sa Visayas are pleading even for just a glass of potable water o konting pantawid gutom? Papaano ka mag ce-celebrate for any occasion knowing na sa kabilang dako ng Pilipinas ay mass graves naman ang kanilang pinagkaka-abalahan sa dami ng mga namatay?

Nakakahiyang mag-celebrate ng bonggang Pasko kung ang situation ay ganito. Kaya nga karamihan na sa mga government and private offices ay nag-decided na huwag nang mag-Christmas party at sa halip ay ibigay na lang ang tulong sa mga kawawang biktima ni Yolanda.

Thousands of text messages, Facebook “status “at iba pang social networking sites expressed sympathies at pakikiramay sa mga nasalanta. Pero hindi ba’t mas dapat na gawin at ipakita not in mere words but in deeds?

For instance, maraming mga pulitiko natin ang kayang-kayang gumastos ng millions tuwing panahon ng kampanya. (Where all that money came from ay isang malaking misteryo pero marami silang napapaligaya maski walang bagyo basta may kampanya). Gumastos man sila ng marami ay bale-wala sa kanila.

Tanong ko lang ha, ilan kaya sa kanila ang may tunay na golden heart and sent their checks to typhoon-ravaged Visayas area?

Mabuti pa ‘yong ibang TV and movie personalities, dahil nagbahagi na sila ng kanilang tulong. What about our honorable gentlemen and ladies natin sa politics na mahilig ding umarte? Dumukot na kaya sila sa sarili nilang bulsa? Sana naman huwag nang i–charge pa sa kaban ng bayan ang tulong na ibibigay nila, kung merong binigay.

Mag-share naman kayo ng sarili n’yong pera! Yong mga kinita n’yo ng sobra-sobra, ilabas n’yo naman ‘yong iba, share it with them. Bawasan n’yo naman ang inyong naipon. Isipin nyo na lang na you are very fortunate dahil kayo ay malakas, may saganang pagkain, may tahanang nasisilungan at nakakatulog kayo ng mahimbing.

Sa ganitong pagkakataon huwag maging selfish kundi selfless dapat.

Behind this national tragedy is a message na nais iparating sa atin ng kalikasan at ng nasa kaitaas-taasan that we must take to heart.

*          *          *          *

This early, nais kong batiin ng warmest congratulations si Dagupan City Mayor Belen T. Fernandez for being the lone mayor awardee in our anniversary and recognition rites sa Dangerous Drugs Board to be held on Nov. 22. 

A well-deserved award dahil consistent si Mayor Belen sa kanyang mga pro-active anti-drugs abuse campaign.

Kasama ring pararangalan si Superintendent Christopher Abrahano, hepe ng Dagupan police.

Their award should inspire others to do more, to do better in our joint campaign against illegal drugs. I hope that very soon, Dagupan would already be drug-free.

Back to Homepage

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments