Deretsahan

By September 23, 2013Archives, Opinion

The congressman’s lost pork

Bebot Villar

By Bebot Villar

 

I’M sure na mamumuti na ang mga mata ng mga newly elected congressmen dahil yong inaasahan nilang “return on investment” ay gone with the wind na. Kuwarta na, naging bato pa!  Naloko na.

Napasubo na sila sa expenses for the 2013 election because they were confident na may harvest season they can look forward to in case they win. Kaso, it was not sunny the whole time. At heto na nga, the country was hit by a totally unexpected calamity, isang masungit na panahon, a super-typhoon named Janet Napoles. Napeste ang kanilang dating tahimik na paggastos sa kanilang PDAF (Priority Development Assistance Fund)o pork barrel.

Many dared to spend nang sobrang laki noong kasagsagan ng kampanya because sa maling pag-aakala na mare-recover naman nila ang investments nila once they win. Kaso things didn’t happen as they should. Maraming namamatay sa maling akala, you know.

Bato-bato sa langit tamaan ay huwag magagalit but dapat ay mabukulan sila sana! Kasi ang siste ng karamihan sa mga congressional wannabes ay hindi na for public service kundi for personal pecuniary interests, para mas gumanda ang buhay.

Isn’t it true na many politicians, especially congressmen, ang biglang yaman once they assume their posts? Huwag na sanang mag-deny ang ilan diyan! Pero not all naman dahil meron pa namang ilan, maybe near extinction na ang tulad nila at pwede nang ituring na endangered species, na dedicated as public servants.

Talagang weather-weather lang ang panahon. Kung dati ay sagana sa kita ang ilang congressmen mula sa katas ng pork barrel, ngayon ay naiiyak na sa sinapit nila because meron nang temporary restraining order sa pag-release ng kanilang PDAF. Worse, nagkandaloko-loko pa simula nang nagkabistuhan na ang Napoles P10-billion pork scam. Kung sinu-sino ang nadamay na diumano’y benefitted by the millions at siyempre deny to death ang mga ito.

The unfortunate thing about the situation ay lahat ay nadamay, pati mga matitinong congressmen na everyone knows na talagang ginamit up to the last centavo ng kanilang PDAF para sa projects nila. A good example is our Congresswoman Kimi Cojuangco of the fifth district of Pangasinan. It’s public knowledge na yong gaya nya ang tipo ng mambabatas who will never ask for SOP from a contractor. Noong panahon din ni former three-term Congressman Mark Cojuangco, it was a big “no-no” sa kanya yang SOP from his PDAF for his projects sa amin sa fifth district.

Kaya nang pumalit sa kanyang pwesto ang misis nyang si Kimi, ipinagpatuloy niya ang good example of excellent governance niya. Talagang transparent at may accountability for every centavo spent from the people’s money. Kitang-kita ang ebidensya sa ganda ng mga projects. All her projects were implemented ng mga winning bidders based on approved specifications hindi tulad sa iba na because of the big kickbacks ang binawas sa projects ay naging malasado na tuloy ang implementation. Maulanan lamang halimbawa ang isang project ay lalabas na agad-agad ang mga defects nito.

Ang masaklap nito, because buking na ang dating racket ng ilan, lahat ay nadamay at luhaan dahil mukhang tapos na ang maliligayang araw mula sa katas ng pork.

Ang next question dyan ay kung anong klaseng pressure kaya ang gagawin ng mga congressmen sa mga government agencies that will now handle their projects because of the new policy para maalis na ang bahid ng corruption. Pag direct na sa mga agencies, walang kita na kaya? Hmmmm, I doubt.

*          *          *          *

The big question uppermost in most people’s mind today is marami pa kayang kakandidato sa national election kung wala nang aasahang pagkukuhanan ng kanilang “return of investment”? Kung ang barometer natin is the coming October 28 barangay elections, palagay ko yes, marami pa ang interested. This early ay nararamdaman na in many parts of Pangasinan ang maagang vote-buying and other illegal schemes to win votes.

Barangay election lang, halos magpatayan na at ang expenses, hala bira. Saan kaya nila kukunin ang pambawi ng expenses nila once elected? In the end, talagang laging kawawa ang taongbayan because laging ginugulangan at kinukulangan if not completely deprived of basic services that they deserve. Sabi nga ng ilan, maswerte na kung may project ka pang makita because some politicians just resort to ghost projects. Dapat ibitin nang patiwarik ang mga gaya nila!

I am sure na itong mga candidates for the barangay election ay hahanap ng kanilang padrinong pulitiko to spend for them. Of course, first on their lists is their honorable Congressman. But how can they kung ang pork ni sir o madam ay naging tuyong dilis na lang? Can they still afford to fund their campaigns, lalo na yong mga first-termers, gayong taghirap ang panahon ngayon dahil sa pork scam? Ang mga pinangakuang contractors na nag-finance ng kanilang candidacies ay hindi pa maka-collect, makakahirit pa kaya uli sila?

That is a million dollar question!

Back to Homepage

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments