Deretsahan

By September 2, 2013Archives, Opinion

Congressmen’s projects and “SOP”

Bebot Villar

By Bebot Villar

 

NEVER doubt the power of money. Ang lakas talaga ng effect.  It only took a few hours pagkatapos na mag-announce si PNoy ng P10-million reward for any information that would lead to the arrest of fugitive Janet Lim Napoles, the pork barrel scam queen, and agad-agad na nag-surrender siya kay PNoy Wednesday night. She feared for her life daw.

She knew na sa hirap ng buhay ngayon ay maraming magkaka- interes to search for her para makuha ‘yang reward na ‘yan. In fact, nag-fiesta na ang mga bounty hunters for that reward money including those who know Napoles personally mismo ang siguradong nagka-interes. What is P10-million reward for her arrest compared to the P10-billion or even more na ibinulsa niya? Kakapiranggot lang yun!

But with her surrender, let’s hope na ang tunay na hustisya na ang manaig at sana walang sasantohin maging sino man ang matamaan.

*          *          *          *

I’m sure maraming nabubuwisit na congressmen dito kay Napoles. I mean not only those who were dragged into this pork barrel scam but those who used their PDAF share legitimately. I’m also sure na mabibilang lang sa daliri ang mga honest congressmen, na talagang up to the last centavo ng pondong ibinibigay sa kanila ay talagang properly spent.

Take for instance sa Pangasinan, I can say without any fear of contradiction, na si 5th district Rep. Kimi Cojuangco ay never, never, as in never na humingi yan ng “SOP” or porsyento sa mga contractors who did her projects. Maski na noong panahon din ng kanyang mister at kanyang predecessor na si former Rep. Mark Cojuangco, ay never, as in never, ding humingi ng SOP sa mga contractors.

I should know dahil I live in their district at matagal na mayor ang aking misis na si Vivien sa Sto. Tomas. Ang mga kalsada ay ginawa strictly according to specifications, at in fact, ayaw ni ex-Cong Mark na makitid ang mga roads maski sa mga interior barangays.

If sa ibang lugar ay malasado ang timpla ng mga cement or asphalt roads, sa fifth district ay bawal yan. Their policy has been gawin mo nang tama ang project because hindi kami nanghihingi ng porsyento. Kaya mahihiya naman ang isang contractor kung hindi niya gagawing pulido ang project niya. It’s a big no, no ang pagbalasubas sa poject kapalit ng malaking SOP.

In fact, the couple would even spend their own money if only to complete their project kung hindi sapat ang pera mula sa gobyerno. Wala ka ding mababalitaang kamag-anak o kapatid, o asawa or anyone close to them who do the contracts ng projects nila.

I cannot say the same for other districts dahil una, hindi ako nakatira sa mga lugar na yan at secondly, iba-iba ang feedbacks na nakukuha ko.

I cannot justify yong prevailing justification ng mga ilang elected officials na ang paghingi ng SOP ay para diumano to cover their financial assistance sa mga indigent gaya ng kasal, binyag, libing, at kung anu-ano pa. Ano sila Robin Hood? Mali yan ha! Ang tawag dyan ay simpleng pagnanakaw sa kaban ng bayan. Nakakasuka kayo! Nadadamay tuloy ang mga inosente sa inyo.

*          *          *          *

Paalala lang sa mga nais tumakbo sa darating na barangay elections. I get reports na there are still na ang tanda-tanda na but hindi pa nagsasawa sa pulitika. Tama na, maawa naman kayo sa sarili nyo, sa pamilya at sa mga taong purgang-purga na sa mga style ninyong bulok.

Mabuti pa ang ahas at ang buwaya tumitigil or nagpapahinga rin kapag busog na but yong tulad nyo, aba’y masahol pa. Moderate your greed naman.

Give chance to others to serve.  Know when to stop.

Back to Homepage

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments