Deretsahan

By August 12, 2013Archives, Opinion

Illegal drugs, No. 1 election issue

Bebot Villar

By Bebot Villar

 

AFTER the long lines and unprecedented number of registrants among the regular at youth voters for the Oct. 28 simultaneous barangay and Sangguniang Kabataan (SK) elections, the Election Registration Board will start scrutinizing the applications.

They will determine kung sino ba sa mga ito ang qualified to vote because may mga initial findings ang ilan sa mga election registrars na may mga double registrants, underage at overage, mga kulang sa mga documents needed, non-appearance, at kung anu-ano pang mga grounds for disqualification nila.

The wonder of all wonders ay kung bakit ganun kalaki ang paglobo ng bilang ng mga nagpa-register last month samantalang katatapos lamang ng May elections. Saan kayang planeta galing ang mga voters na nagsulputan last month to beat the deadline of registration?

Ito namang mga SK registrants na may mga questionable registration, nakaka-high blood sila ha! They are still very young, dapat idealistic pa sila, pero nagpapagamit na sila sa mga bulok na sistema ng mga nakasusukang pulitiko!! Alam kaya ng mga parents ng mga ito ang ginagawa nila? (O baka mga parents ang nagbebenta ng votes nila?). Sila pa naman na naturingang pag-asa ng bayan so it’s very frustrating and disappointing to see them participating in the process of corrupting our democratic system sa pagpili ng karapat-dapat na mga lider natin!

*          *          *          *

The barangay and SK elections are very important because as I have been shouting in this corner, our elected officials are expected to be in the frontline ng ating laban sa droga. I have always believed that illegal drug trade will never flourish in a certain barangay kung talagang mapagmatyag or vigilant ang mga barangay officials natin, kasama ang SK.

Impossible na hindi alam ng mga barangay at SK officials na may mga addicts at pushers sa area nila, at kung sino sila.  So, if there is one single important election issue nitong Oct. 28, one important reason kung bakit dapat palitan o i-retain itong mga incumbent barangay officials, ay ang kanilang stand sa drug problem sa lugar nila.

While the provincial government expressed determination to wage and win an all-out war against drugs, ang tanong sa mga nasa barangay at SK: Ano na ang nagawa nyo?  Ano ang ginagawa ng mga sitting officials na ito kung bakit the situation has become worse? Ano ang mga dapat gawin ng mga susunod?

Bakit kung tsismis sa barangay, mabilis pa sila sa kidlat at kulog kung makatunog pero kung sa illegal drugs, mga deaf, blind, mute at pilay sila? Aba’y masahol pa sila sa mga handicapped kung tunay na laban ang pag-uusapan! Pero kung pagkakaperahan, ayan diyan sila mabilis.

Dapat lang na ipatawag na ni Gov. Espines itong mga barangay at SK officials whose areas are listed as drug-affected para ipaalam sa kanila ang real situation based on the report of the Philippine Drug Enforcement Agency at ang Philippine National Police. Kailangan malaman nila ang assessment sa barangay nila in order to map out plans para effective ang laban sa ang problemang ito.

*          *          *          *

In two months’ time, mag de-decide uli ang taong-bayan sa paghalal ng kanilang barangay at SK officials. Gamitin natin ang strongest weapon natin upang ibalik ang katinuan at kapayapaan in our barangays.

Not that I am being alarmist but ang dami na ng mga krimeng nangyayari in our communities perpetrated by drug-influenced or drug-crazed people. Hihintayin pa ba nating mangyari din ito sa ating lugar? Hahayaan pa ba nating mas lumala pa ang situation?

Pumili tayo ng mga karapat-dapat na officials natin, those who will truly serve, hindi yong nagpaparamdam lamang tuwing may election by distributing one kilo of rice, ilang noodles, maliit na sachet ng kape, sardinas, o kung anu-ano pa.

Alin ang gusto natin–Panandaliang laman ng tiyan o pangmatagalang peace and order in our barangays? That is the decision we must make.

Back to Homepage

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments