Deretsahan

By August 5, 2013Archives, Opinion

Espino’s pledge: A drug-free Pangasinan

Bebot Villar

By Bebot Villar

 

HAPPY ako na in-involved ni Gov. Amado Espino Jr ang mga kabataan, mainly the provincial government scholars, sa laban contra illegal drugs.

There were speeches, lectures from the Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), kantahan, candle lighting ceremony, manifesto signing, sa ginanap na anti-illegal drugs campaign sa Narciso Ramos Sports and Civic Center sa Lingayen. The purpose ay para ma- inspire at mabuo ang commitment ng mga kabataan sa advocacy na labanan sa illegal drugs.

Tama lang na ang mga principal resource speakers sa forum ay ang mga taga-PDEA so they can appreciate and understand ang kanilang efforts being the law enforcement body. In this manner, madaling naintindihan ang proseso para sa mga ginawang arrests of pushers/users at confiscation ng mga illegal drugs.

Pero hindi ba mas okay pa sana na kung na-ituro at na-explain din ang mga masamang effects ng illegal drugs sa katawan ng tao ng mismong mga medical doctors, especially mga addiction experts? Nandiyan lang sila sa Dangerous Drugs Board na ready na tumugon sa anumang invitation to speak and share their experiences sa problem ng drug addiction. Next time?

After talking to the youth, the most vulnerable sector, kailan naman kaya iimibitahan ang mga barangay officials, kasama ang mga kagawads, civilian volunteer organizations/barangay tanods? Kailangan isama sila sa laban na ito! Pag panahon ng election, sila ang mga nauuna na pinapatawag, di ba?

Speaking of barangay at Sangguniang Kabataan officials, I never heard of any serious efforts to involve them or kahit na ipatawag man lang sila to join the campaign contra illegal drugs sa kanilang mga barangay.

I asked some mayors, if there had been similar meetings na ang main discussion ay kung papaano sugpuin ang drug problem sa lugar nila. Negative. In fact, base sa mga information that also reached me, ang agenda nila kung may meeting sila ay kadalasan about politics, sa mga projects, and, yes, about jueteng. Pero nothing about drugs, walang discussion. Quiet lang.

The same was true sa mga vice mayors na supposedly the important allies sa bawat bayan because of their mandated role in municipal/city anti-drugs coordinating council. Ang tanong ko nga: Buhay pa ba itong mga CADACC, MADACCC, BADACCC, PADACCC na ito?

Sabi ni Gob Espino, they have been SILENTLY doing their anti-illegal drugs campaign. Siguro without media fanfare ang ibig nyang sabihin. Anyway, all that is now the past. Let’s focus on the present and the future.

*          *          *          *

I really feel gratified na merong active and visible campaign laban sa droga na ngayon being led by Gov. Espino. Last term na niya ito at he has accomplished a lot sa ibang bagay kaya malaki ang pag-asa at tiwala ko na manginginig naman maski papaano itong mga drug lords na ito ngayon. We know na kapag nag focus si Gob on one thing, tatapusin nya yan with flying colors. Yong mga kalaban nga niya sa politics, kayang-kaya niya silang ilampaso, di ba? I’m sure sa illegal drugs, he can do a lot more. With him leading it, buo ang tiwala ko na ito na ang hudyat and the beginning of a true and meaningful fight to finally rid Pangasinan of illegal drugs.

*          *          *          *

Sabi ni Gob, hindi lang dapat ma-aresto ang mga drug lords. It is also important that they are prosecuted. Tama yan which is why I also believe na dapat din ma-involve ang mga nasa judiciary para ma-guide ang mga kapulisan sa tamang proseso sa pag file ng kaso at hindi na parating nadi-dismiss ang mga drug cases filed on mere technicality.

Sa tutoo lang, nandiyan na ang mga suspicion na ilang prosecutors natin ang lihis na ang landas, na parang sinasdyang mapa-dismiss ang mga drug cases na isinasampa sa kanilang opisina. Kaya It is important to know ano ba ang mga flaws kung bakit outright na nadi-dismiss ang mga illegal drug cases. Ano bang mga mali na dapat mai-tama? Marami na tuloy nagtatanong: kakampi ba sila o sila’y mga pekeng kasama?

Isang decorated police officer itong si Gob Espino kaya hindi lang dapat manginig kundi mangisay na sa takot itong mga drug lords, pushers and users kasama ang mga kasabwat nila sa Pangasinan.

Gob Espino pledged na gagawin niyang drug-free ang Pangasinan. Let’s hope na tuluyan na ngang maalis yang mga salot sa lipunan. But we know na hindi nya kayang mag-isa yan, kaya dapat tulung-tulong ang bawat Pangasinense sa laban na ito!

Back to Homepage

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments