Deretsahan

By July 1, 2013Archives, Opinion

Confusing police orders and policy

Bebot Villar

By Bebot Villar

 

AT presstime, status quo pa rin as far as the post of the police provincial director (PD) of Pangasinan is concerned. It’s so confusing.  Ano ba talaga ang situation?

Naka-ready na sana ang turnover ceremony para sa change of command noong June 22 pero may phone call somewhere out there na pina hold ang naturang pagpapalit ng PD. Si Senior Supt. Marlou Chan pa rin ba ang PD natin o si Senior Supt. Manny Velasco na nai-report last week na pumalit sa kanya although na-recall na naman daw yong order sa kanya.

Naudlot tuloy ang pagta-tumbling na sa tuwa ng mga officials ng Pangasinan na very eager to have PD Chan ousted right in his home province. From smile to frown. From laughter to dismay. Parang bumubula ang bibig ng ilan sa ngitngit.

Sino kaya ang tumawag na yun? No one dares to tell. Maski nga si Sr. Supt. Chan ay ayaw magsalita. Mga officials ng capitol ay nahilo din, kumbaga sa boxing ay hindi nakita kung anong klaseng suntok ang tumama sa kanila.

But come to think of it. Hindi kaya naging sacrificial lamb lang itong si Chan? Mga bangayan ng pulitiko, ginamit ang mamang pulis para pahirapan ang kalabang official din ng government, tapos in the end ang magsa-suffer ay isang kawawang law enforcer na walang dudang sumusunod lamang sa orders ng superior officers?

Ang mga officials naman ng Pangasinan ay patuloy sa pagsulong nila sa “oust Chan” move. Ano naman kaya ang guarantee na ang successor ni PD Chan ay magiging ally nila? Malalim ang pinanggagalingan ng galit at inis ng mga officials na gusto syang mapatalsik sa Pangasinan.

If, for example, okay itong si Sr. Supt. Velasco to the protesting Pangasinan leaders, ang tanong, papayagan kaya ng mga nasa taas na sya na nga ang i-assign dito? If yes, since there was already an order relieving si Chan sa pwesto niya effective June 21, bakit hindi itinuloy ang turnover ng command?  Does that mean sya pa rin ang PD sa Pangasinan? Paano na si Col. Velasco na nautusan ding mag-assume as PD? Joke lang ba yung order niya?

Wala bang moral suasion yong manifesto signed by some mayors wanting Chan out from Pangasinan? Wala bang effect resolution ng provincial board declaring PD Chan as persona non grata? Mas matindi kaya ang kapit ni PD Chan sa taas o mas pinaniniwalaan siya?

Hanggang saan kaya hahantong ang usaping ito? In the meantime, habang naka- focus tayo sa episode na ito, andyan naman na ang mga lawless elements that are exploiting the situation.

Paano na ang security ng bawat Pangasinense?  Paano natin sasabihing there is peace and order in Pangasinan when peace seems nowhere in sight among our officials?

*          *          *          *

Halos sabay-sabay ng oathtaking ang ilang mga elected at re-elected officials sa iba’t-ibang bayan at lungsod sa Pangasinan nitong June 28. They believe na may dalang swerte ang numerong ito.

Hayaan na lang natin sila if that’s their belief basta sa pagganap nila sa tungkulin ay dapat may sincerity, dedication, transparency, accountability and hard work.

Let’s end ang mga bangayan at awayan noong panahon ng campaign. Magka-isa na sana ang mga competing candidates. Tama na ang kantiyawan at kutyaan.  Let’s accept the people’s will graciously and magnanimously. Let’s look forward to that one and right path. Learn from the mistakes of the past. Kung may kailangang managot para hindi na pamarisan, dalhin sa korte to teach them a lesson. It’s the only way to remind accountable officials na hindi dapat gumawa ng kabalbalan ang sinuman, lalo na sa paglapastangan sa kaban ng bayan.

Para sa akin, it’s not being politically vindictive to make people account for their omissions. We have to show na may ngipin ang batas at dapat walang sinisinu-sino, walang sinasanto.

To the new set of elected and re-elected officials, good luck and may you do better this time!

Back to Homepage

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments