Deretsahan
A drug-free Dagupan
By Bebot Villar
QUIET na ang kapaligiran ngayon. Finally, tapos na ang mga mudslinging, character assassination, black propaganda, hate campaign pati na rin ang kantiyawan (hopefully).
Matira ang matibay ang labanan. Like they say, kung mahina ang sikmura, don’t get into politics. Besides it being too expensive to run for an elective position, mas matindi ang pressure sa mga kaliwa’t kanang stressful situation a candidate must boldly face.
No wonder, there are those na nakaramdam ng matinding karamdaman due to the rigors of campaign. Sa totoo lang, they can cope with physical stress but there are candidates alam na nilang may iniinda na silang karamdaman pero they pretend pa rin to be healthy. Pero yong mental stress at torture, iyan ang heavy. Iyan ang mabilis magpa-drain ng energy lalo pag natalo at naloko ng mga mismong supporters at malaki na ang nagastos sa campaign.
To those na nagkasakit ng todo, sana you will bounce back after learning one important lesson: Take good care of your health and listen to your body. Kaya siguro next time, someone from the Department of Health (DOH) can monitor all the candidates’ health. Vying for an elective position may be hazardous to your health.
* * * *
Buhay na buhay ang mga barangay captains noong panahon ng kampanya. Happy sila. ‘Yong iba, “I have two hands, the left and the right…” I’m sure alam niyo na ang ibig sabihin niyan.
Although there are few na good breeding na talagang sincere sumuporta sa mga gusto nilang kandidato na alam nilang deserving na maglingkod sa bayan, still there are many naman ang pilit pa ring ikinampanya sa mga constituents nila ang mga candidates alam naman nilang bulok (sa personal na pagkatao at sa track record nito). Worse, para sa ilan sa kanila, ang naging basis ng choice ay kung sino ang higher o highest bidder!
Hindi kaila na the barangay captains and barangay kagawads know even the smallest details about everyone in their respective barangays, for example ay kung sino ang bona fide residents at sino ang mga strangers sa lugar nila. That makes them the most ideal na maging magaling na sugo ng ating ipinaglalaban sa anti-drugs abuse campaign. It’s easy for them to identify suspicious looking strangers sa barangay nila with just a bit of mala-James Bond na pagtiktik sa paligid nila. The problem is may ilang nasisilaw din sa pera at imbis na protector ng magandang kinabukasan ng mga tao ay nagiging protector pa sila ng mga drug lords.
Ang style kasi, parang naghihintay pa yata sila ng manna o mga 1st wave, 2nd wave o 3rd wave galing sa langit bago sila magkampanya laban sa iligal na droga. Dapat tumulong talaga sila ngunit nakalulungkot man, karamihan sa kanila ay mukhang pera. Kung matinik sila sa election campaign, sana mas matinik sila sa campaign against illegal drugs because they are supposed to be our front liners in the fight.
Sana sa susunod na election, we get rid of those corrupt kapitan at kagawad. Dapat mapalitan na sila dahil wala silang mga silbi kundi maghintay ng grasya. Kaya nga, ‘yong ibang nalilihis sa landas dahil nasisilaw sa pera mula sa katas ng droga, humanda na kayo.
Ang drug problem ay mabigat na problema ng pamilya, ng pamayanan at ng buong bansa. Imagine, halos 80% ng heinous crimes ay drug-related. Talagang nakakatakot na.
* * * *
Sa Dagupan City, happy ako and I wish to congratulate Mayor-elect Belen Fernandez. Matagal na ally si Belen laban sa droga. On her own, gumawa siya ng mga projects against illegal drugs because like her, na-alarma na rin siya na naging transshipment point ng drugs ang Dagupan.
She helped organize the DepEd, the youth, mga barangay officials, religious groups to form a united front sa laban na ito. At nang dumating sa Dagupan as its OIC police chief si Supt. Christopher Abrahano na dating nasa Philippine Drug Enforcement Agency ay lalong naging matindi ang laban sa droga.
With sincere leaders like Mayor-elect Belen at reliable police chiefs like Supt. Abrahano, I am sure nanginginig na ang katawan ng mga nasa likod ng illegal drugs sa Dagupan. Balita ko nga may isang kapitan na sobrang na- stress nung natalo ang sinuportahan niya and he suffered a mild stroke. (I heard na grabe murahin ang mga ka-barangay niya during the campaign, and required them to display ang mga tarpaulins ng ticket na sinuportahan niya).
Ok lang kung sino ang gusto niyang suportahan sa politics pero ang kanyang leadership ay ipakita niya sa tamang paraan. Mas matutuwa pa ako, papapalakpak at sasaluduhan ko siya kung ganun din sana siya kasigasig sa campaign contra illegal drugs.
Kaya sa mga sumisira sa kinabukasan ng mga kabataan, now is the time to shape up dahil talagang hindi namin kayo titigilan. Sobra-sobra na ang inutang n’yo. It’s payback time!
Going back to the incoming mayor. I was extremely impressed when as soon as Belen was proclaimed winner and she was asked kung ano ang mga priorities niya, ang sagot niya: Gawing graft and corruption-free at free from illegal drugs ang Dagupan.
Sama-sama tayo diyan, Mayor Belen. Linisin natin ang mga dumi ng lipunan. Sana rin ay hindi lulubayan ng mga taga-Dagupan ang laban na ito!
Share your Comments or Reactions
Powered by Facebook Comments