Deretsahan

By May 20, 2013Archives, Opinion

Why spend millions to serve?

Bebot Villar

By Bebot Villar

 

TAPOS na ang bakbakan sa pulitika. Finally, quiet na rin ang kapaligiran.

We’ve finally seen and heard the end ng mga maiingay na trompa, speeches na halos mapatid na ang ugat sa leeg ng mga candidates para sila’y mapakinggan at sana’y maintindihan, cheers and jeers ng mga supporters ng magkabilang kampo.

Hindi lang mga political leaders ang nagka-initan nitong nakalipas na halalan. Even mga media practitioners ay isinali ng mga makikitid ang utak na mga unggoy na bayaran ng mga politicians.

Natural may winners, may losers. But both camps ay na duguan ang bulsa, kaha de yero at bank accounts nila. After that political typhoon, makikita ang damage. May mga umuwing teary-eyed, marami ring crying for joy.

Now that we’ve ended another chapter sa kasaysayan ng ating pulitika, kailangang forget na ang samaan ng loob and mag-move on na.

Easy to say nga pero mahirap gawin, ayon sa iba. Tama. Kasi many of the candidates  ay hindi sport at may mga winners na hindi rin magnanimous.

*          *          *          *

Kung bakit natin sinabi ito is because may mga avid supporters o maski mga candidates themselves who can’t respect personal convictions ng kapwa tao. Ang gusto nila, sila dapat ang suportahan at hindi ‘yong kabila.

A case in point ay itong si Mr. Public Official na mas yumabang after he won again. During the campaign period, twice itong nag-gate crash sa bahay ng isang nakakataas na official ng kanyang district. He had a different agenda but he was welcomed to Madam Public Official’s home at hinayaang mag-distribute ng kung anu-ano even if the occasion ay para sana sa kursunada ni Madam Public Official na mga kandidato.

To placate the embarrassed Madam, Mr. Public Official advised her na wag na syang mag-campaign sa bayan niya at siya na ang kikilos at magiging overwhelming ang panalo nya. Naniwala naman si Madam but she ended up kulelat sa bayan niya eh siya pa naman ang acknowledged leader because top official siya dati doon.   

Pinakain pa nitong gracious host na si Madam si mayabang na provincial official kasama itong kiti-kiting staff nya at mga chuwari-wariwap nila. Nirespesto sila at never na pinakitaan ng masama yet one wonders why hindi sila nagpakita maski konting kahihiyan at delicadeza na maling asal, particularly to gate-crash occasions intended for his opponent.

Fast forward tayo ng konti at dumating na ang proclamation of winners. Nagkita sila sa Provincial Capitol. Aba’y na obserbahan ng mga media na naroon na mukhang kulang sa sense of sportsmanship and being gentleman itong Mr. Public Official na ito.

Very obvious ang ka-plastikan niya. Sa ngiti pa lang, obvious na napaka-insincere. Sabi tuloy ng mga kasama ni Madam, he did it again! My heart bleeds for the victims pag may mga ganitong eksena na nakakarating sa akin. Para sa akin, mas mabuti kung magpapa katotoo na lang siya!

Pag election, kunwari mabait. The rest of the period, he unmasks his real self. Hulaan nyo kung sino siya.

*          *          *          *

I wonder how much ang kapalit na halaga ang prestige to be elected? Bakit kailangang gumastos ng malaki samantalang paglilingkuran mo ang taong bayan?

Don’t you wonder why parang there is no tomorrow kung gumastos itong mga candidates nitong nakaraang election? Ako kasi, hindi makatulog just thinking kung gaano kamahal naman ng prestige na yan!

Yong iba borrowed money using their houses and lots and other properties as collateral. Magsisilbi ka na nga sa tao at sa bayan and still spend millions na halaga? Ang salaries nila, kaliit-liit naman!

Magkano ba ang salary ng isang senador, congressman, governor, vice governor, board member, mayor, vice mayor hanggang konsehal? Milyun-milyon ba monthly? Ilang million naman ang ginastos nila? Ganun na ba ka-expensive ang mga puwesto nila?

Mali, di ba? Tsk tsk tsk!

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments