Playing with Fire

By April 22, 2013Archives, Opinion

The truth… & nothing but the truth

Gonz Duque

By Gonzalo Duque

 

WE have an interesting anecdote.

It’s about a good strategy designed by Ashok para malaman niya ang kanyang iboboto sa darating na eleksyon.

Sabi niya, una, yuyuko muna to pray, an act of humility, iisip ng malalim, masimoon ang pagiisip.

Pagkatapos titingala sa langit.

Yan ang ginawa daw niya. Kasi nagkaroon daw ng sagot, “Ashok, malalaman mo sa May 13.”

*          *          *          *

Alam ninyo, malalim si Ashok. Pero alam ko ang nasa puso niya. Tulad ng nakararami sa inyo.

He knows the real situation.  Just like most of you, dear readers. Alam natin na alam na alam ninyo ang katotohanan.

Sana po ay magkakaroon kayo ng sapat na clarity of mind, moral courage and correct decision on what you really believe to be the true leaders of our community.

*          *          *          *

 Kitang kita at damdam natin ang nasa puso ng tao. We’re just in our fifth edition. But the public response is inspiring. Kadalasan mga kaibigan sa civic, education, Rotary, Jaycees and the Pangasinan community at large… ito ang mariin nilang isinusumbong sabay pisil sa ating bisig,“alam na alam mo, Attorney, ang nararapat sa ciudad.”

May isang nagsabi: “Sa totoo lang po, noon, parang neutral ako, pero mula nang ipinaliwanag ninyo ang isyu, hindi na po ako nag atubili—Belen na Belen na po, sampu ng aming pamilya.”

*          *          *          *

And then they would look at us straight in the eyes. “Salamat sa Kabaleyan, namumulat ang tao sa katotohanan,” said a trike driver.

May nag-confess: “Kala ko noon, Sir, biased lagi ang mga namumulitika. Pero ito kayo, documented ang mga dini-discuss nyo. Hindi kayo nambobola, maanghang lang nga kayong magsalita!”

We told him, papaanong hindi maanghang, niluluto tayo sa ating sariling mantika.

Before we decided to join Kabaleyan Channel, we did some serious reflection. Is it worth it? We asked our self. Baka madisgrasya tayo rito, we thought as many concerned friends talked about our safety.

We simply said, God is on our side, because we are simply telling the truth. It would be painful to those who lie and steal. But to those who live in the light of truth and the rule of law, there’s nothing to fear.

 If you are motivated by a higher call, and that is to do something about corruption, massive and unmitigated corruption in our beloved and yet kawawang ciudad; there comes a point in your life that feelings of fear just simply disappear.

Nothing can stop from unmasking those who are devouring the vitals of our city.  We have crossed the Rubicon. Bahala na si Lord sa atin. We’ve told several friends this.

Kung may mangyayari sa abang lingkod , you know whodunit.

*          *          *          *

Noong 2011 kulang kulang na P8 million ang nailabas na pera ng siyudad as financial assistance sa City Fiesta ganoon din sa Bangus Festival mga P6 million ang nagastos para sa Bangus Festival 2011. Ganyan kabongga gumastos ang administration ni BSL. Hindi iniisip na marami ang naghihirap.

Also na-discussed ang almost 600 regular employees sa City Hall. Alam ninyo ba na umaabot na ng 1, 000 Emergency Workers (EW) ang ginagastusan ng ciudad?… plus 54 “consultants” – grabe… ang hi-nire ni BSL?

Noong year 2011 ang nagastos sa mga Emeregency Workers at consultants ay umabot sa P63 million. (Want to verify? Pls. see page 184 of Proposed Annual Budget 2013).

Taong 2012 ang total na nagastos para sa EWs at Consultants ay umabot na ng P85 million. Grabe!. Ang tanong: Nasaan ang mga EWs na ito? Saan saan sila naka assign? Ano-ano ang ginagawa nila? Wala bang limit dito?

Paki imbestiga, COA? Civil Service Commission?

Yung pinagawa ni BSL na River Cruise, ano na ang nangyari? Ang laki ng nagastos dito! Ito ang malaking kawalanhiyaan: Sabi ng kampo nya, wala kahit isang sentimo ang nagastos dito. Tsampyon sa kasinungalingan talaga! The truth is, almost P11 million ang nagastos dito, nasa vouchers ang binayaran.

Ang pagbebenta ng McAdore… nariyan na ang grabeng katusuan… ipinagbili sa presyong palugi.

Noong una gustong ibenta sa halagang P56 million.. tapos, itinaas sa P65 million. Aha, nang kinuwestyon ni Madam Belen biglang itinaas sa P100 million… pero, in point of fact. lugi pa rin kasi ang totoong presyo based on official rate ay pwedeng aabot sa P250 to 300 million!

Mga kabaleyan. Mn nonot kimet kari… agkayo pasasaliw…

Ito pa ang nakakabaliw at nakahumindik: Base sa kabebenta lang na lupa ni BSL malapit sa McAdore ng P35,000.00/sq.m. malaking panlilinlang na naman ito sa mga taga Dagupan. Kunwari iba ang bumili pero sa totoo siya rin pala ang may ari gaya ng ginawa niya sa Metro Plaza. Nag dummy na naman. Hanggang kailan tayo palilinlang sa ganitong politiko? Panahon na para palitan ang buwayang namumunong mag-ama sa Dagupan pati sa congresswoman isinasali pa si Manang.

Grabe ang kasuwapangan ng pamilyang ito. Walang delikadeza. Gusto nila sila ang maghari.

Pero hindi bagay.

Back to Homepage

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments