Deretsahan

By April 29, 2013Archives, Opinion

Those epal candidates

Bebot Villar

By Bebot Villar

 

AS I had earlier predicted, baklas, then kabit uli.

‘Yan ang nangyayari ngayon sa mga illegal tarpaulins and posters of epal candidates na parang nangungutya sa COMELEC and its deputized agencies.

Comelec managed to dismantle and tear down yong first round ng postering pero hindi naman nasindak ang mga pasaway na candidates They became even bolder. Sabit dito, sabit doon pa rin, day and night. Minsan tuloy kung stranger ka sa isang lugar ay hindi mo na ma-distinguish kung ‘yung naka-display ay sa kandidato o tarpaulin ng isang patay because karamihan ay magkapareho ng size at design.

Sinulatan sila ng Comelec, na-warningan, pero ano ang effect?

They desisted nang ilang araw, nagpalamig ng konti, then arya uli ang walang pakundangang pagsasabit ng mga campaign posters nila. The sizes are now even bigger.

For example, sa Dagupan, very glaring ang mga violations sa sizes and places na pinaglagyan nila outside the common poster areas. Illegal ang mga posters nila but it appears wala nang follow-up operations ang Comelec. Ang dahilan nila, mga private residential houses naman daw kaya OK lang. Wrong! Posters displayed by private houses or business establishments are not exempted by the rule on sizes!

I’d also like to know from Comelec kung ano kaya ang gagawin nila sa mga mga “ngiting asong” posters posted on public infrastructures like waiting sheds, public auditoriums, bridges, at iba pa.

Besides, are the candidates in violation made to spend for the repair or re-painting ng mga damaged portions caused ng pagsasabit, pag-paint at dikit ng kanilang campaign paraphernalia? No! Kaya for me, dapat lang they are made to pay for the costs at dapat as soon as possible ang action na pagpataw ng parusa and dapat before mag- election, dahil malamang hindi na sila mahahagilap pag natalo na sila.

May mga balita pang may mga siga raw, mga known triggermen, mga pakawalang asong ulol na alaga ng isang opisyal sa Dagupan na nananakot uli sa mga tao na kung hindi ikakabit ang poster ng mga bosing nito ay sasamain ang mga kumo-kontra rito.

Worse, I heard na sapilitan or via pananakot ang tactic sa Dagupan to have the posters or tarps displayed in front of houses or stores? Hanggang ngayon ba naman iyan pa rin ang style dyan? Bulok na ‘yan ah!

According to my bubwit, the next few days will be very more exciting in Dagupan. Sino kaya ang mabubukulan? Abangan!

*          *          *          *

The campaign stage is becoming hotter. In fact, merong hagisan ng grenade (raw) sa bahay ng isang mayor ng Pangasinan. Three kapitans din sa Natividad na hinagisan ng envelope na may lamang bala sa loob (daw) ang harapan ng bahay nila. Sana bulto-bultong cash ang hinahagis na lang, di ba?  Aba if that happens, baka lahat ng kapitan, gustong pahagisan ng sobre at mas maganda kung araw-araw, di ba?

Bakit kailangang mag-death threat pa? Gawaing bakla ‘yang may pa bato-bato pa. If they really want a person killed, bang bang agad! I suspect something else.

Kasi, logic dictates na why would you give your target ng panahon na makapag-handa bago siya patayin? And a candidate would be so stupid na ipapatay n’ya ang kalaban n’ya or a loyal supporter of his opponent, especially na more than two weeks to go na lang at halalan na.

Definitely, wrong tactic ‘yan. Magkakaroon pa ng sympathy ang kalaban n’ya. Proven na ‘yan in several instances na sa local political history natin.

But mag-ingat din ang mga candidates because may super galing na talent ang mga opposing camps who can set up the same scenario para mapagbintangan yong iba.

Remember, elections bring out the best and worst in men!

*          *          *          *

Hindi ko maintindihan kung bakla o ugaling bakla ‘yong mga lalaking candidate who insult their opponents on a personal basis.

For example, balita ko may isang re-electionist mayor na mukhang dumidilim ang kanyang pananaw sa buhay and is resorting to name-calling against his rival.

Baka you want to look at the mirror muna mayor? Isama mo mga kapamilya mo, before describing your opponent in public as “baboy”? Pati nga amoy ng isang babae/lalaki na hindi naliligo ay walang nginig sa katawan sa kabastusang salita mo kung hamakin ang yong mahigpit na karibal. Such a desperate act. How pathetic!

Tutal Chinese ka naman, pwedeng ipa-alala ko lang sa’yo itong sinabi ni Chinese philosopher Lao Tzu? “Watch your thoughts; they become words. Watch your words; they become actions. Watch your actions; they become habit. Watch your habits; they become character. Watch your character; it becomes your destiny.”

 Back to Homepage

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments