Deretsahan

By April 22, 2013Archives, Opinion

Shabu inside R1MC

Bebot Villar

By Bebot Villar

 

ANG lakas ng loob nitong isang shabu addict na naging patient sa Region 1 Medical Center sa Dagupan.

Mabuti na lang at alert yong nurse on duty sa surgical ward. Nang masilip nya itong kumag na ito inside the bathroom of Room 18 na humihitit ng shabu, she called the security guard on duty. Dagli namang ipinarating din ng mga sekyu sa police community precinct sa Arellano St. at agad-agad na nahuli in the act itong addict na ito.(Aba’y mukhang sarap na sarap pa ang kumag na ito sa kanyang ginagawa nang maaktuhan ng mga pulis).

Kinilala ni Supt. Christopher Abrahano, officer-in-charge na hepe ng Dagupan police na si Rafael Jovellanos, 28 years old, single at resident ng of Barangay Lucao, Dagupan City. Siya ay na-confine sa R1MC pagkatapos na mai-involved sa isang mauling incident.

Kaya niyang humitit ng shabu kaya kayang-kaya na rin niya ang magdusa sa kulungan!

But the bigger question is: Bakit nakalusot ang shabu sa ospital? In the past, we read news about shabu na nakakalusot sa mga jail cells at kung saan pa, but not inside a hospital.

There should be a thorough probe on the incident. Dapat tanungin ding mabuti ang security agency na assigned sa R1MC. Di ba’t strict ang security diyan sa mga pumapasok na visitors and watchers? What happened?

This reminds me of the security guards sa malls that check bags ng mga mall goers and yet guns used to shoot others or to rob ang jewelry shops ay nakakalusot. Obvious kulang sa training kaya tuloy hindi na nakakapagtaka kung paano naipuslit itong shabu sa hospital!

This incident should serve as a wake-up call sa management ng R1MC! Kung mapatunayang ineffective ang security agency, e di palitan, di ba?

The Jovellanos case should not be taken lightly. Next time can be worse, na pwedeng may masaktan na mga patients inside the hospital. If management does not act agad sa ginawa ni Jovellanos, one can imagine kung ano ang pwedeng gawin nito sa iba?

And what about yong nagdala ng kanyang supply dun? Bakit ganun sila katapang magdala ng shabu sa R1MC? May ka-kuntsaba ba sila sa mga security guards? Now, can we blame the people kung makaramdam sila ng takot sa pagpasok sa R1MC?

*          *          *          *

Ang salita kapag binitawan na, hindi na mababawi. Damage has been done, ika nga.

Uso ngayon among candidates ang mudslinging at batuhan ng masasakit na salita to earn pogi or ganda points sa mga voters. But are they really earning pogi or ganda points?

Sana sport lang, walang personalan. Sana issue lang, walang name calling, huwag panay pintas nyo sa inyong kalaban. Manalamin naman muna kayo.

Careful lang kayo baka instead of earning votes ay mababawasan pa.

Kung ang intention nyo ay to inform the public, fine! But show proofs. Mahirap naman yong puro daldal lang. Pwedeng sabihin nyo naman kung ano ang plano niyong programa o plataporma nyo para malaman naman ng mga botante kung karapat-dapat kayo.

*          *          *          *

At presstime, April 19, 24 days before election, naghihintay pa rin ako kung who among the candidates ang may puso at pakialam in the war vs. illegal drugs.

There are only a handful kasi ang nabibilang ko so far na may commitment. Most of them ay mga motherhood statements ang sinasabi na parang sila ang savior ng mga mahihirap na botante, making them believe na kayang ibigay ang langit at lupa sa kanila if elected.

Problem is madaling suyuin kasi ang Pinoy voter kaya tuloy the elected officials take advantage, kinakasangkapan ang kanilang kawalang-malay. No more discussion ng programs but giveaways at vote-buying ang batayan sa pagpili sa ibobotong candidate.

Sana naman, sa May 13, baguhin na nila ang bulok na style ng mga voters para hindi lalong mabulok ang government natin sa kamay ng mga maling iboboto.

*          *          *          *

My family and I condole sincerely with Pangasinan fifth district Congresswoman Kimi Cojuangco on the untimely demise of her mother. We offer our prayers and may her mom’s soul eternally rest in peace.

Back to Homepage

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments