Deretsahan

By March 30, 2013Archives, Opinion

There is still hope

Bebot Villar

By Bebot Villar

 

HABANG pumuporma na ang mga candidates for the May 13 elections, pinag-aaralan kong mabuti who among them ang may advocacy o plataporma against illegal drugs.

Most of them ay naka-focus sa fight against poverty, pagbibigay ng tamang education, livelihood, sapat na pagkain, health care at kung anu-ano pa na minsan ay ka ek-ekan lamang.

Pero laban sa droga, wala!

Looks like hanggang ngayon, they have not felt ang masamang effect nito o sadyang nag ta-tanga-tangahan lamang? Is it because pinakikinabangan nila yang illegal drugs na yan gaya ng biyayang nakukuha nila mula sa jueteng money?

Dahil kaya sa partners nila ang mga drug lords at sila ang magpapatakbo ng kanilang campaign? If that’s not true, bakit tahimik sila sa isyu sa droga?

After the Holy Week observance, aarangkada na ang local campaign. It’s showtime kumbaga.

*          *          *          *

Last Monday, March 25, sa wakas ipinalabas sa ABS-CBN Dagupan ang isang paid political ad introducing Mayor Hernani Braganza at mga advocacy nya although wala pang katagang “iboto” because bawal pa ito sa ngayon pero simula sa March 29 pwede na. 

Kapansin-pansin doon ang mention sa illegal drugs. Finally, may kakampi ako, ‘kako sa aking sarili. Besides kasi sa 101 Kill Droga headed by Vice Mayor Reynaldo “Rey” Reyes at Councilor Miguel “Rufo” Abalos of Pozorrubio na matagal ko nang mga kasama sa politika sa Pangasinan, and kay Dagupan City Vice Mayor Belen Fernandez na may maliwanag na programa against illegal drugs maski walang election, I have yet to see another Pangasinan official or candidate with the same zest, enthusiasm and dedication to fight illegal drugs. 

Si Gov. Amado Espino Jr. kaya, may deretsahang advocacy din against illegal drugs? Aabangan ko. 

*          *          *          *

Also last Monday, nagpirmahan ng peace covenant ang mga candidates for governor, vice governor, board member, congressmen at local positions sa Dagupan City. Huwag na nating pag-usapan who attended and who did not.

Sa mga naroon, they pledged in front of the altar of Metropolitan Cathedral of St. John The Evangelist na tatalima sila sa isang tamang paraan ng campaign —walang personalan, walang batuhan ng mga below the belt na accusation sa kalaban, no violence, intimidation at vote-buying, no armed group, no cheating at kung anu-ano pa.

Hindi kaya umusok ang simbahan sa dami nang nag pledge but are not really serious about it?  Mukhang hindi makatotohanan ang pledge na para sa kanila malayo sa reality. In fact, I heard a feedback na some candidates deliberately hindi na nagpakita sa covenant signing because they think hindi rin yan mangyayari given the prevailing situation today.

How many kaya ang nasasamid while sumasabay sa pagbigkas ng kanilang sumpa o pledge?

They even promised na they will accept nang bukal sa kanilang dibdib ang results ng May 13 elections! Will that mean nobody will file an election protest after the proclamation ng winner? Wala na nga kayang mag pro-protest na dinaya sila? In our country, the norm is walang natatalo, nadadaya lang. Anyway, if that happens, hindi na masyadong kikita ang mga election lawyers in Pangasinan since wala nang election protests since expected mag-concede na agad ang natalo gaya sa America.

But wait, ganun na ba talaga ka-hopeless ang situation natin?

Buti na lang the church at ang mga kasama nito sa pagbuo ng ganitong peace covenant signing para sa pagbabago have not lost hope. Of course we don’t expect an overnight miracle to happen here.

“Let there be peace on earth and let it begin with me,” ang kinanta nila led by no less than the good Archbishop Soc Villegas.

Kaya kayong mga candidates, sana ilagay nyo yan sa inyong puso, isip, salita at gawa! Mahiya naman kayo sa sarili nyo!

Back to Homepage

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments