Deretsahan

By March 25, 2013Archives, Opinion

Three days of silence sana

Bebot Villar

By Bebot Villar

 

DAPAT hinay- hinay muna sa pag-ikot at pag-campaign ng mga candidates in observance of the Holy Week. Dahan-dahan sa pambobola sa mga voters.

Manahimik muna kayo, mag-sacrifice ng ilang araw, ceasefire muna sa mga batikos. Isantabi muna ninyo ang mga mudslinging sa kalaban nyo. Ireserba nyo na lang sa Abril. Doon nyo na lang itodo.

It’s only right na respetohin ang observance ng Holy Week. Since predominantly Catholic ang mga botante, makabubuting quiet muna kayong mga candidates sa inyong mga campaign gimmicks because pag naging pasaway kayo, mas pangit ang dating sa mga voters.  Sila nananahimik, kayo naman binubulabog nyo sila.

If you insist sa gusto nyo, baka mabwisit pa sila at hindi tuloy kayo iboboto because aakalain nilang relative kayo ng demonyo sa kawalanghiyaan nyo.

Sometimes, maximum tolerance na lang sa mga aligagang candidate dahil kumbaga sa time bomb, tuloy-tuloy ang pagtakbo ng oras at malapit na ang pagsabog nito kaya’t they have to take every opportunity na umaksyon. Whether neophyte or re-electionist, they need to double time dahil palapit nang palapit ang judgment day.  But kung talagang gusto kayo ng tao, what’s two or three days of total absence from your campaign noise?

*          *          *          *

Amused ako sa ating mga kaibigan nating Pangasinan newsmen na sa kagustuhan nilang magpasikat sa kanilang sinusuportahang candidate ay kapareho nilang media na kampi naman sa kalabang kandidato ang binabatikos nila. They shoot their fellow messengers.

Worse, they resort to name-calling. Nandyang tawagin nila ng kung anu-anong kapintasan ang isang fellow newsman pati personal na buhay nya kinakalkal at feeling popish than the pope sila kung mangaral.

Walang personalan, trabaho lang. Sabi nga ng mga friends kong lawyers, dapat para lang silang nasa court, pagalingan ng arguments, palakasan ng evidence, bahala na ang judge na mag-analyze at magbigay ng judgment.

And after they finish with their arguments, maski itsurang nag-aaway sila inside the court, magsigawan o ano pa man, nagbabatian pa rin kinalaunan because walang personalan, trabaho lang.

Kaso, iba itong mga kaibigan natin sa Dagupan.  Imbis na ang batikusin ay ang kalabang candidate, ang kapwa nila media ang pinupuntirya, hinahanapan ng dumi at baho, nag-iimbento ng kung anu-ano para mawalan ng focus at madismaya ang katapat nilang media.

Hindi n’yo ba naisip that you are washing your dirty linens in public?

As mediamen, panay ang sabi natin na sana, itong mga kandidato ay itaas na ang level ng pangangampanya. Pero ano’ng ginagawa nyo?  Kayo-kayo, nagsisiraan sa mata ng publiko?

Sinasabi ko ang mga ito bilang isang elderly brother nyo. Unsolicited advice dahil masama ang mga feedbacks na nakukuha ko.

Sa mga Manila newsmen ba, ganyan ang gawain? Hindi. Pagalingan, patalinuhan at walang mga below the belt na batikusan sa kapwa newsmen. Bahala ang mga candidates maglaban-laban. Out sa usapan mga tumutulong na mediamen. Just rememeber na ang bahong ibinabato nyo sa kapwa nyo, babalik din yan sa inyo!

Kung makikinig kayo, fine. Kung hindi naman, bahala kayo sa buhay nyo!

Back to Homepage

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments