Deretsahan

By March 18, 2013Archives, Opinion

Who wants Sr. Supt. Chan removed?

Bebot Villar

By Bebot Villar

WHY are some Pangasinan officials itching to have Senior Supt. Marlou Chan relieved as officer-in-charge provincial police director of our province?

Sa tingin ko hindi naman nya pinapakialaman ang mga jaiteng operations nyo ah. Business as usual naman kayo, di ba? Eh, anong problema nyo?

Why, affected ba ang kinikita nyo sa illegal na sugal na ito? Balita ko mga members ng provincial board at mga mayors may kanya-kanyang petition to oust Sr. Supt. Chan as PD of Pangasinan. Wait, wait, wait, inaral nyo bang mabuti ito o nagpadala lang kayo sa sulsol ng kung sino?

Ang babaw naman ng mga dahilan nyo. Hindi ba lumalabas lang na katawa-tawa kayo?

Di ba dapat happy kayo dahil yong winelcome nyo sa Pangasinan na mag operate ng kunwaring jai- alai na jueteng din naman ay smooth-sailing, ang kanyang raket dito na pinakikinabangan nyo din?

Magsitigil na nga kayo sa kadramahan nyo! Gusto nyo maglabasan tayo ng nalalaman at ang katotohanan?

In my town na Sto. Tomas, sa Villasis, Sison, Alaminos City, Alcala, Bani na ilan lamang sa mga walang jai-alai operations, ay nanahimik lang ang mga nanunungkulan dyan pero kung alin pang mga bayan na namamayagpag ang jaiteng sa kanilang lugar, kung maka arte, you would think impressive ang kanilang panunungkulan, walang bahid ng corruption kunwari ang drama. Ay sus, kumita na yang style na yan.

Nasisisira ba ni Col. Chan ang diskarte nyo kaya masyado kayong nagmamadali na patanggal sya? Nadidiskaril ba nya ang mga plano nyo para sa inyong re-election?

Ni hindi ko pa nakakausap yang si Col Chan but sa mga balitang nakararating sa akin, especially na nang malaman kong may pinapa-ikot na petition against him for signature ng mga mayors, sabi ko, iba na ito. Masama, it’s not right!.

Kung talagang totoo kayo, i-stop nyo ang jueteng, jai-alai, jaiteng sa lugar nyo. Kung talagang nais nyong magpasikat sa bayan nyo, walisin ang mga drug pushers sa lugar nyo dahil sinisira nila ang future ng mga kabataan at iba pang binibiktima nila.

Dapat yang mga pushers na yan, kunin na sila ni Satanas para hindi na sila mamerhwisyo pa ng iba.

*          *          *          *

Never akong against din sa dating OIC PD na si Senior Supt. Mariano Luis Versoza Jr o si Col. Sonny sa karamihan. In fact, up to now, I still cherish yong samahan namin ng kanyang ama noong mayor pa ito ng Lingayen.

Nagtaka rin ako noong bigla syang na-relieved samantalang okay naman ang performance nya.

Dati, ayaw na ayaw sa kanya ng ilang provincial officials ng Pangasinan at humantong pa hanggang sa DILG office ang pag-ayaw sa kanya hanggang sa walang magawa itong mga officials ng Pangasinan kundi tanggapin sya.

And Col. Sonny did well in his short stint as OIC PD.

Ngayon naman, itong mga sala sa init, sala sa lamig na officials ng Pangasinan, gusto syang pabalikin as OIC PD in case mag-succeed sila sa kanilang maitim na balak to oust PD Marlou.

Helloooooooo, okay lang ba kayo? Hindi kaya ang labas nyo dyan ay para kayong mga struggling comedians sa isang laos na comedy bar? Buwisit!!!

Back to Homepage

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments