Deretsahan
Wish ko lang
By Bebot Villar
NATIONAL candidates are now hot on the campaign trail kaya it’s showtime na!
Syempre a mix of comedy, suspense, action at drama ang matutunghayan ng mga voters.
Bawat nagnanais na ma-elect, kailangang may “arrive”, kailangan may name recall, kailangan may maiiwang marka because everyone is fighting for attention and ultimately the precious votes ng mga electorate.
Asahan na rin ang pag-file ng charges at counter-charges ng maraming candidates, mostly about who is more corrupt! Pero pagalingan na lang bang magsalita? Pagwapuhan o pagandahan ba ang labanan? Paramihan at kasikatan ba ng pera ang sukatan?
Huwag naman na sana. We’ve been made to elect our officials this way for too long, kaya tuloy heto tayo hanggang ngayon, lugmok pa rin sa kahirapan. Kung mananatiling ganito tayo, if we cannot change our ways, hwag na tayong umasa na umasenso. Hopeless na ang mga mahihirap and the qualifed na nais magsilbi sa bayan.
————————————————————————————————————
Flash Report lang po: Nais kong iparating ang isang mainit na congratulations sa mga elements ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 1 led by Director Jef Tacio at ang Dagupan City Police led by Superintendent Christopher for a big drug bust operation that yielded 200 grams of shabu Friday (Feb. 15) sa isang Muslim community in sitio Tondaligan, Barangay Bonuan Gueset, Dagupan City.
This is a very precious post Valentine’s gift for the people of Dagupan.
Great job. Keep on drug busting.
————————————————————————————————————
Sana naman magising na ang mga botante. Kilatising mabuti ang plataporma ng ating mga candidates, aralin ang kanilang background, suriin ang tested dedication at principles nila sa buhay.
Hindi dahil anak o relative ng kilalang dating politico ay iboboto na. At lalo na hindi dahil magaling kumanta o mag-Gangnam o magpatawa sa stage ay Ok na. At hindi dahil galante kuno kung magbigay ng pera ay sya na. Siguro naman, you already know na yan ang mga tipong malakas humataw sa kaban ng bayan once elected because babawiin nila ang perang ginastos to buy everyone’s vote.
* * * *
Wish ko lang na huwag naman na sana gutter language at murahan ang gamitin sa campaign para pasamain ang image ng kalaban at i-angat naman ang sarili. It sets a vey bad precedent at impression on our young, particularly mga first time voters, believing this is the way to win an election.
Sana naman huwag below-the-belt kung umatake, walang personalan, issue lang, at walang mag-imbento ng mga kasinungaligan about their opponents. Tanggalin na ang takot na baka balikan kayo if you don’t vote for the candidate who thinks nabili na nya ang vote nyo dahil naabutan kayo. Sige tanggapin ang pera at grocery items, give-away items, alak at kung anu-ano pa na binibigay ng nanunuyong unquallified na mga candidates. Do not reject, dahil after the election, hindi na naman kayo kilala ng mga kandidatong yan pag nanalo na sila, at kahit na natalo nga sila. And if the corrupt candidate is a re-electionist, sigurado pa nga pera n’yo actually ang pinagmumudmod nya.
Sa totoo lang, actually pag di nyo tinanggap, these candidates who use guns, goons and gold will take it personally against you. Buking ka na you will not vote for him/her if you don’t accept his “gold”!. Hindi sa nananakot ako pero yan ang style nila kaya bigyan sila ng lesson na despite their gold, voters will still use their own judgment and individual conscience when they finally go to the polls to elect their candidates, kung sino sa tingin nila ang mas nararapat.
Sana maging mature na tayong mga voters about candidates. Wish ko lang, am sure ganyan din kayo.
* * * *
At ito lang ang munting maipapayo ko sa ating mga voters, lalo na sa mga first time voters.
Huwag na huwag sanang iboto ang mga kandidatong sangkot sa mga illegal… especially illegal drugs at illegal gambling. Sila yong mga demonyo sa society natin na nagpapahirap sa taong-bayan, lalo sa mga kabataan. Sila yong mga linta na sumisipsip sa dugo ng taong bayan, siphoning your hard-earned money and enriching themselves.
If drug dealers or financiers win and get elected, chances are, those who voted for them will be their next victims. And if you fall for their enticements, sigurado either rehabilitation or kulungan ang hahantungan nyo if you don’t die first.
Marami ng kasong ganyan. Sana huwag nang dagdagan. Stay away from candidates known or suspected to be behind illegal drugs at gambling.
Share your Comments or Reactions
Powered by Facebook Comments