Deretsahan
Who is Double B?
By Bebot Villar
MARAMI yatang nabulabog, maraming ding curious pero iisa ang gustong malaman: Who is this ‘Double B’ (as in Bwisit at Bobo) na texter I alluded to na nang-i-intriga kay Eva Visperas, a very close family friend and a highly respected journalist in Pangasinan, in my column last week?
It was the pa-sipsip text of Double B to Gov Espines kuno na intentionally pinaabot sa akin because it mentioned Eva as one of those involved with others in a demolition job daw against Gov. Espines. Again, I have to say na saksakan na talaga ng kabobohan itong texter na ito. Nagpa-anonymous ang dating niya para mang-intriga and coursed thru my relative but obvious na obvious na gustong iparating ang text sa akin. So when I got it on New Year’s Eve, I sensed na 2013 will be a year of battle of nerves for this corner, laban sa mga gaya ni Double B.
Nagmamarunong na operator itong si Double B na anonymous kuno not realizing na ginamit na nya the same sim card in the past sa pagtawag sa isang malapit din na relative ko. Amateur talaga. Mukhang kinapos yata sa budget kasi hindi na nakabili ng bagong sim card si Double B. Paki pulot nga ang IQ mo, Double B, because mukhang naapakan mo na at hindi na gumagana.
My friend Eva was bombarded with questions by her colleagues sa media, pati ng mga board members at mga kaibigan na concerned citizens, asking who is this Double B. Some wondered kung kapwa media practitioner din nya, o kasama sa core group ng mga TONG tank (hindi think tank) sa media group ni Gov itong gunggong na ito?
Ok, here’s the clue: Tanungin na lang nila sa grupo mismo ni Pare Espines dahil alam na alam nila kung sino at kanino galing ang text na yan.
* * * *
The conspiracy against Eva became more evident last week. Dahil nga sa maling pagdududa sa kanya, she was not invited to the presscon ni Dean Abraham Espejo, ang lead counsel ni Gov sa plunder case filed by Bugallon Mayor Ric Orduña. Eva used to be invited sa lahat ng mga media events nila pero sadyang di na inimbita dahil nga sa maling akala nila about her lately. (Obvious ba na puro alleluiah ang gustong report at hindi gumagana ang utak nila pag fair and balanced reporting?).
Because hindi nga marunong umintindi ang ilan sa mga nakapaligid na sipsip sa ating kumpareng Gov. Espines sa trabaho ng isang tunay na journalist, aba, ang sagot ng in-charge sa nasabing prescon sa question ni Eva kung bakit hindi sya in-invite: “Kasi pang broadcast lang yong presscon na yun!”
Anooooooooo? Paki-ulit nga!
Pang broadcast lang daw. Naku naman Butch, humiwalay na yata ang tamang katinuan mo! Since when na nagkaroon ng ganyang policy na for a very important news event involving the lead counsel ni Gov. Espines ay pang broadcast lang, at excluded ang print media? Aba, may news na pang radio lang pala ngayon, merong pang print lang at merong pang TV lang! Sino naman kaya ang dobleng tanga na may idea ng ganyang klaseng policy sa media? Ang babaw nyo!
Ang totoo niyan ay na-banned ang Philippine Star sa kanila dahil hindi nila nagustuhan ang sinulat ni Eva about what Mayor Orduna said sa isang naunang presscon. Eh bakit naimbita ang isang taga kabilang newspaper?
Dapat they learn na mag alibi ng tama. Yong tipong hindi malasadong sagot sa mga kapalpakan nila. Instead of helping the cause of their boss, they are making it deadly worse for him. Pareng Espines should realize na yong mga sipsip around him are his biggest liabilities today.
I’m sure turuan na naman ang mangyayari dito without anyone admitting to the boo-boo. Ang kikitid kasi ng mga utak at bulok pa ang style kasi.
* * * *
While writing this column, balitang-balita na ang turnover of command sa Dagupan City Police Station from Supt. Romeo Caramat to Supt. Cris Abrahano, na galing PDEA daw.
In fairness to Supt. Caramat, marami din syang accomplishments sa illegal drugs operation but hindi nga lang impressive because point-point lang ang mga na-confiscate. And, it’s still business as usual for selling illegal drugs sa Bonuan Binloc. Kung ako lang ang masusunod, sosonahin ko na ang lugar na ‘yan! Political will at tapang lang ang kailangan at hindi puro daldal at praise release. Ang elimination ng illegal drug problem sa lugar na yan ay isang malaking challenge ko yan sa incoming Dagupan police chief. Dapat tuldukan na.
Meanwhile, I wonder why the provincial government has no program kontra illegal drugs. The vice governor is expected to meet the vice mayors in the province being the action officers of the Anti-Drug Abuse Councils (ADACs) tasked to formulate an action plan to combat illegal drugs. What is Vice Gov. Ferdie Calimlim doing?
During the time of then Vice Gov. Gonz Duque, ganun din kay ex-Vice Gov. Oscar Lambino, they had campaigns laban sa droga but ngayon wala. Alam mo Ferdie, ang pagkanta-kanta ng mga awitin ni Willie Revillame ay hindi makatutulong upang mapahinto ang problema sa droga.
Share your Comments or Reactions
Powered by Facebook Comments