Deretsahan
Jai-alai in Pangasinan is illegal
By Bebot Villar
ISANG tanong, isang sagot. Is jai-alai operating in Pangasinan legal or not? Where’s the proof?
Ito ang matagal ko nang sinasabi noon pa which I clearly articulated when I was guest during a Pangasinan Day celebration in front of the Capitol attended by hundreds of employees and visitors.
Marami ang na shock noon nang binatikos ko yang jai-alai na yan. Now people are telling me na itong mga nangyayari ngayon was a related issue doon sa mga sinabi ko in my impromptu speech that came from my heart dahil sa pagmamalasakit ko sa Pangasinan.
Ang paniwala ko, illegal yan, front lang yan ng jueteng.
As I had predicted earlier, malaking gulo yan, and now, heto na nga. The issue on jai-alai, also known as jueteng, rocked Pangasinan!
Jueteng o jai-alai, same dog with a different collar lang naman yan. Jueteng in disguise. Isu met laeng. It’s the same banana at kung anu-ano pa ang mga comments ng mga tao.
Kung legal yan, pwedeng malaman sa mga mayors na nag-issue ng business permit dyan kung magkano ba ang kinita ng bayan dyan? Magkano naman kaya ang kita nila? Magkano din kaya ang kinita ng operator nyan? Malamang taong bayan uli ang lugi at kawawa habang ang bulsa ng ilang masibang opisyal ay tiba-tiba.
No less than the good Senator Juan Ponce Enrile repeatedly denied in my radio program then over DZAR in Manila that jai-alai is allowed to operate in Cagayan Special Economic Zone (CESZ).
Naalala nyo ba na noon pa man ay andyan na yong fear ko na baka malagay sa alanganin ang mga mayors na nag isyu ng permit dyan? With what is happening right now sa probinsya natin, malamang may mga eager candidates na rivals ng mga re-electionist mayors na gagawing isang malaking campaign isyu yan.
Malamang magkaka-idea sila at di malayong bibigyan nila ng sakit ng ulo nitong mga kalaban nilang incumbent mayors.
* * * *
Papaanong magiging legal yan samantalang Justice Secretary Leila de Lima has declared sometime in July 2011 that jai-alai operations through Meridien Vista Gaming Corp. outside Cagayan is illegal? Ang nirarason ng ilang “bulag” na opisyal ay may court order daw na huwag galawin yan kasi legal daw. Sa Cagayan Special Economic Zone, yes, pero bakit, part ba tayo ng CSEZ? Nasa Port Irene ba tayo? Buksan nyo nga mga mata nyo!
Nag-issue din ng order ang Department of Interior and Local Government for the crackdown against jai-alai operations outside CSEZ.
Sige nga, ipakita nyo nga yong order na yan na nagsasabing legal yan outside CSEZ?
Ang claim ng ilan, may temporary restraining order daw. Granting for the sake of argument na meron nga, hanggang kelan yan? Until thy kingdom come. Forever? Eternal? Kaya nga temporary eh kasi may hangganan at meaning pansamantala lang.
At saka, itong mga mayors ba are authorized to issue gambling permit?
Ang bawal sa isang lugar ay dapat bawal din sa lahat. Walang pinipili, walang sinasanto.
* * * *
Ano na ang nangyari sa Loterya ng Bayan na sana s’ya ang legal na ipapalit sa jueteng?
Itong Small Town Lottery (STL) naman, alam naman nating mina-magic din lang ang declaration ng income n’yan. Balita ko 10 to 20 percent lang ng ingreso rito ang napupunta sa gobyerno at ang 80 percent ay sa jueteng din?
Siguro nga, namamantikaan din ang ilang opisyal ng PCSO!
Kung nais ng administrasyon ang tunay na tuwid na daan, siguro it’s high time na mag-issue ito ng clear-cut order/guidelines tungkol sa jai-alai and other equally perceived illegal gambling activities.
Ang mga police kasi, takot din um-action because they might get the ire of their mayors, because that would mean killing the goose that lays the golden eggs.
Ang katuwiran ng kapulisan, wala namang order sa kanila na mag aresto ng mga kobrador/collector/operator ng jai-alai sa Pangasinan.
Isa pang alibi, why single out Pangasinan daw samantalang other provinces have their jueteng/jai-alai operations?
Iyan ang bulok na reasoning to justify an illegal activity.
Share your Comments or Reactions
Powered by Facebook Comments