Deretsahan
Will DILG Sec. Roxas listen?
By Bebot Villar
LOOKS like ang laking usapin ang inclusion ng Pangasinan as one of the 15 high-risk areas as announced by Interior and Local Government Secretary Mar Roxas.
Firstly, the provincial government pinatawag ang mga mayors, board members, regional and provincial police officers and police chiefs of Pangasinan led by Chief Supt. Franklin Jesus Bucayu as well as election officials led by the provincial election supervisor Atty. Marino Salas.
Napakahaba ng usapang iyon, labasan ng senti, fears, anxiety at kung anu-ano pa that ended with a resolution signed by 35 mayors asking Secretary Roxas to reassess, re-evaluate and reconsider the decision to include Pangasinan as high-risk area in the May 2013 elections.
Ilang araw lang ang lumipas, hindi pa sila nakuntento. Hayan uli ang provincial board at ginamit ang Question Hour last Monday tungkol pa rin sa parehong usapin.
In attendance naman this time ay si Senior Superintendent Mariano Luis Verzosa Jr, ang matagal ng officer-in-charge police director ng Pangasinan (na ewan kung hanggang OIC na lamang ba ito!), at sina DILG Regional Director Corazon Guray at Provincial DILG Officer Reggie Colisao.
Gaano man sila dikdikan, paikot-ikutin na sumama sa gusto ng mga Pangasinan officials to delist the province among the high risk areas ay looks like firm sila sa kanilang paninindigan na hwag makialam sa naturang growing sentiment.
That’s understandable because the declaration was made no less by the DILG Secretary himself who did not consult with them. I’m sure Secretary Roxas, and whoever was with him when he included Pangasinan in the list, used parameters that were very clear to them.
So, last Monday was another long discussion at ang ending ay nagpasa ang Sangguniang Panlalawigan ng isang resolution “expressing deep sense of dismay and frustration in the identification and inclusion of Pangasinan among the election high-risk spots in the 2013 election and seeking the immediate removal of the province from the said list by the honorable DILG Secretary Mar Roxas”.
The question is: Pakikinggan kaya ni Secretary Roxas ang request nila? Tatanggalin ba nya ang Pangasinan sa listahan?
While it’s true never pa namang na declare ang Pangasinan as an election hotspot, nasama na sa listahan ang San Carlos City dahil sa pagpatay kay Mayor Jolly Resuello. But San Carlos is not Pangasinan. It’s just a part of the province. There are 44 towns and three other cities pa to consider.
Pag “priority area of concern” tayo, maraming pulis o sundalo na ipadadala dito para sa augmentation force. Ayaw nyo yun ? Ang presence nila will be an effective pre-emptive action laban sa mga taong may maitim na balak.
Kaso, medyo malalim ang dahilan sa usaping ito at Si Sec. Roxas lang makakapagsabi kung ano yon.
* * * *
Ngayon pa lang ay madalas na daw ang bank withdrawal ng ilang kandidato sa bangko. Paano kasi, we had an early filing of COC kaya maaga rin ang gastusan at bilihan ng boto.
Lalo na ngayong magpa-Pasko, siguradong fiesta ang mga tao. Sige, kayong mga masiba sa pera, tanggapin nyo ang pera ng mga yan. Bakit, sa tingin nyo ba hindi nila babawiin sa anumang paraan yang pinambibili nila ng boto nyo? Sino naman kayang tangang kandidato ang mag aaksaya ng pera nya na walang kapalit? Bakit, pinupulot lang ba nila sa paligid ang pera nila?
Kaya kayong mga botante, huwag na huwag kayong mag-complain sa laos na service ng inyong mga elected officials. Kasalanan nyo yan because karamihan sa inyo, hindi nag-iisip!
Madali kayong masilaw sa barya. Ang hindi nyo alam, ang ilang piraso ng P100 bills, kapalit nyan ay libu-libong salapi, sometimes millions pa, ang babalik sa bulsa ng isang opisyal. Katas ng corruption ang tawag dyan at kayong mga madaling mauto ang may kasalanan dyan.
Ang gawin nila dapat ay kunin ang pera at iboto ang kursunada! Maging wa-is naman kayo!
The problem with many is wala silang kadala-dala! They still vote for the highest bidder.
Share your Comments or Reactions
Powered by Facebook Comments