Deretsahan
Comedy act of Lim
By Bebot Villar
SAANG planeta ba galing itong nagta-tapang tapangan na kalaban ni Congresswoman Gina de Venecia?
Nang mag-file itong si Mario Lim ng kanyang candidacy for Pangasinan fourth district congressman, sari-saring reaction ang mga tao, especially from the media na nakatutok sa Commission on Elections office sa Dagupan City. Maraming natawa, maraming nagtaka, maraming nagtaas ng kilay.
Mario Lim who?
A little background check by some friends reveals na ito palang nangangarap maging congressman was even never a barangay chairman. Walang muwang sa mundo ng pulitika. Aside from being president daw ng practical shooting association, a few only know him as the owner of a franchise of a fast food chain.
Nangangarap kang maging “king” pero mas mabuti siguro asikasuhin mo na lang ang “chow” mo para hindi ka magmukhang “kingkong”!
Ang pagiging congressman ay hindi ito larong baril-barilan. Hindi ito hit or miss reload! Mawalang galang na po, Mr. Mario Lim. Seryoso pong trabaho ito.
Nakuha sa sulsol ng kung sino, kaya hayun maski na alam nyang wala syang chance ay nagpa-uto din. I wonder how he feels today. Napagisip-isip na ba niya kung anong comedy ang ginawa niya?
Masama yang nagpapagamit kayo. No basic principles in life. Ang tawag dyan ay kabaklaan.
Kung talagang transparent ang inyong agenda na kung sino mang scriptwriter at director ng comedy na ito, maging makatotohanan dapat, not to deceive the people. Whoever should be the candidate should have come forward, huwag magtago sa palda ng iba!
Maliwanag naman talaga ang motive nyo dyan eh—para lang huwag maging unopposed ang re-electionist congresswoman! Di ba malaking kagaguhan yan? Hindi kayo team player para sa progress ng inyong district!
Mabuti pa yong ibang district na hinayaan na lang na maging unopposed ang kanilang congresswomen even if we know na may isa dyan na sobrang lakas kung humataw sa porsyento sa projects.
Umaabot hanggang 40 percent ang hinihingi nung isa dyan kaya minsan tuloy hindi na magawa nang maayos ang isang project. Minsan din halos maging ghost project na dahil sobrang kawawa na si mamang contractor sa lakas ng hataw sa kita ni madam honorable.
* * * *
Another that caught my attention was the fifth congressional district.
Ito namang si kumpare kong Demetrio Demetria, it seems he cannot accept na unopposed si re-electionist Kimi Cojuangco. Kung sa pagiging tapat din lang sa public service ay dito na ako sa mga Cojuangco dahil maski sinong tanungin nyong contractor, they don’t ask for percentage of project funds.
Sila pa yong mag-aabono para sa isang project to further improve it. Maganda ang iniwang track record ni ex Congressman Mark Cojuangco at mas lalong pinapapaganda ng misis nyang si Congresswoman Kimi.
Kung dedication to duty ang pag-uusapan, ay maihahanay din natin dyan si re-electionist Pol Bataoil ng second district. But okay lang yan, Pol, maski may kalaban ka, alam naman ng taong-bayan ang dedikasyon mo sa serbisyo.
After Congress, ang pagpapalakas naman sa Nationalist People’s Coalition party sa Pangasinan ay ang focus ni Cong Mark kaya tuloy naging NPC country na ang Pangasinan. Basta good for Pangasinan, okay ako dyan.
* * * *
Let me take this opportunity to thank my townmates in Sto. Tomas, Pangasinan for their continuing love, trust and confidence to the Villar administration.
Unopposed ang entire slate ng aking pamangkin na si Vice Mayor Dick Villar na syang susunod na mayor ng aming bayan sa 2013. Sobra-sobrang pagmamahal ang ipinakita ng aming kababayan sa aking panunungkulan noon bilang mayor nang mahigit 20 years na unopposed ako except in one election only, at ang aking misis na si Mayor Vivien na six terms unopposed at graduating na next year.
Ngayon naman ay si (incoming mayor) Dick Villar.
Ito ay history sa buong political history in Pangasinan. Makakaasa kayo nang mas matindi pang serbisyo at pagmamahal sa mga darating pang panahon mula sa amin.
Share your Comments or Reactions
Powered by Facebook Comments