Deretsahan
Cong. Gina can help
By Bebot Villar
IT used to be simple theft of cash, jewelry at portable appliances ang mga ginagamit ng mga drug addicts to support their illegal habit.
Next came stealing of motorcycles then, yes, of live goats! This became evident when the Dagupan police arrested two suspects from Agoo, La Union recently in Sitio Silungan in Bonuan Binloc, Dagupan City holding two stolen goats pang barter nila sa droga. Both suspects have arrest warrants sa La Union for theft.
Sa P2,000 na price ng mga kambing na yun at P5,000 ang one gram ng shabu, point-point lang, panandaliang trip lang yun dahil konti lang ang pwedeng pamalit. That means, pag wala na silang tama, labas sila agad to steal more goats.
Sadyang napakadami nang theft and robbery ang nangyayari na sa ating paligid. Buti kung simple robbery lang. Ang nakakahindik ay pagnanakawan ka na nga, papatayin ka pa. Walang pinipili ang mga addict na yan, they victimize everyone pati na mga magsasaka and other defenseless people.
* * * *
Kahit madalas ang operations ng police against suspected pushers sa Bonuan Binloc na yan, many are still wondering why nobody can seem to stop the drug trading in Bonuan Binloc.
No less than Cong. Manay Gina de Venecia nagulantang na at sinulatan nya sina Sr. Supt. Sonny Verzosa, officer-in-charge provincial police director at si Sr. Supt. Roybel Sanchez, Philippine Drug Enforcement Agency regional director for Region 1.
Kagaya ko, nais ni Manay Gina na gawan ng immediate and lasting solution ang problema diyan. It seems Cong, Gina only recently came to realize how serious the drug trading in her barangay has become. Pag na-check niya ang police drug operations in Dagupan noon pa man hanggang ngayon, she will note na 50 to 60 per cent of operations were conducted in Binloc.
If she wants to help, dapat financial assistance na lang para sa operations ng PNP-AIDSOTF in Pangasinan dahil kulang sila sa pondo. The operatives can be more effective if they are better funded, para mas malaki ang huli sa buy-bust at hindi yong point-point gram lang.
It really must be embarrassing for her to know na her barangay is tagged as a drug haven. While this may be a local matter, but for the sake of thousands of residents in the area and more outside affected by the illegal drug trade, dapat lamang kalampagin nang todo-todo ang mga authorities na dapat pag-ibayuhin ang kanilang campaign. At di sila dapat tantanan!
Cong. Gina’s intervention today is another serious challenge not only to the Pangasinan police command and the Dagupan police station in particular but to the barangay officials ng Bonuan Binloc. Looks like sadyang manhid na rin ang kapitan dyan na si Pedro Gonzales na siya mismo ang dapat na nasa frontline sa laban na ito, pero talagang hindi na maasahan. Bakit? It’s high time na ipakita na ni Mayor Benjie Lim and the police ang kanilang kamay na bakal to clear the barangay and the city of drug pushers and addicts.
* * * *
Nabalitaan niyo ba yong report sa national TV noong isang gabi na nahuli ng mga kapulisan ng Alcala, Pangasinan na nagbebenta ang isang student ng marijuana right inside the school campus?
Pabata nang pabata ang mga drug pushers at habang tumatagal, mas nagiging matapang na ang mga ito. If the drug pushing inside the school is not stopped, expect more families to break up at mas marami pang addicts na maging petty criminals stealing inside their homes para suportahan ang addiction.
Pagkatapos ng droga, what next? High profile robber? Gun-for-hire? Rapist?
* * * *
May nakikita akong twist of events sa darating na eleksyon diyan sa Villasis. Hindi totoo yong napapabalitang malamang smooth-sailing ang next elections para sa isang come-backing mayor. It looks like dadaan muna sya sa butas ng karayom. Believe me. Isang maling action ang ugat ng sakit ng ulo ng mayor na ito. Is it a hopeless case to patch things up? Malamang…. pero abangan.
Let’s ask the guy named Butch Sison.
Share your Comments or Reactions
Powered by Facebook Comments