Deretsahan

By September 17, 2012Archives, Opinion

No strategy for Barangay Binloc?

By Bebot Villar

ALAM na ng mga law enforcers na rampant ang illegal drugs sa Barangay Binloc, Dagupan City pero bakit hanggang ngayon hindi pa napapatigil?

Problema na yan noon, problema pa rin until now. It remains a place of notoriety

Wala nga bang “war plan” o “strategic plan” kung paano susugpuin yan?

Ang dami-dami nang nabiktima. It’s high time they lick that menace.

Thanks to my friend Atty. Gonz Duque, president ng Pangasinan Press Club, president ng Lyceum Northwestern University at fellow PUNCH columnist, para sa mga deretsahang tanong nya sa the Media in Action forum noong Sept. 12.

Gonz has been a close ally in our fight and advocacy against illegal drugs campaign at labis ko syang hinahangaan sa tunay na tuwid na landas na nais nyang tahakin ng mga naglilingkod, lalo na sa gobyerno, lalo na sa Dagupan.

Guest nila sa forum si Senior Supt. Mariano Luis Verzosa Jr, ang OIC Pangasinan police director ng Philippine National Police.

Gonz pointed out, like what I kept on stressing here, bakit hindi mahinto-hinto ang illegal drug trafficking dito. It’s well known ang nangyayari sa Binloc pero nothing seems to be moving? Hanggang patumpik-tumpik lang ang raid na ginagawa?

Sabi nga ni PD Sonny, maski na noong police chief pa lang sya ng Dagupan, many of his accomplishments against drugs ay galing sa barangay na yan, aside from Sitio Aling in Arellano St.

“I know the terrain,” he even admitted.

Pero may mga dahilan kung bakit dahan-dahan pa rin ang action nila. Ano yun? Kung gusto, maraming paraan; kung ayaw, maraming dahilan?

Noong hepe daw sya, they confiscated 55 grams of shabu sa Binloc at sa Sitio Aling naman ay 35 grams. Identified kung sino ang mga pushers, alam din kung ano ang mga tactics ng mga drug pushers kapag mainit ang mga law enforcers natin.

At nalungkot nga siya na pagkatapos ng hirap nila sa paghuli, the case was dismissed due to technicalities. Hindi naman daw nila sinisisi ang korte so. I’m almost certain na “ilang libong dahilan” yan kung bakit nadi-dismiss ang drugs cases.

While it is true that the Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) is at the frontline in the fight against illegal drugs dahil sila yong strike force, the local police must make no excuses in their failure to curb this problem kasi they’re part of this fight.

Pero walang turuan, sabi ni PD Sonny na siya na rin ang nagsabi na illegal drugs ang root cause of criminality.

Wish lang ni PD Sonny na sana ay i-relax naman nang konti ng courts yong mga procedures para hindi basta basta nadi-dismiss ang mga cases na sinasampa nila. Marami kasing gray areas sa pag-file ng drug case at kung papaano mag-prosper ito. Sana nga!

Malaki ang tiwala ko kay PD Sonny that he will do his best dahil I’ve known him na good breeding yan. Sabi nya, malapit na nga siyang mag-retire at ayaw nyang dungisan ang pangalan at record niya as a police officer. (Hindi siya tulad ng isang dating PD na kamag-anak ng bwayang lolong). Kasama ko na ang tatay niya as my treasurer sa Pangasinan Mayors League na pinamunuan ko noong kabataan ko pa. Matalik na kaibigan ng tatay ko ang tatay ni Sonny. Kaya, Sonny, sana, di mo ako bibiguin. You have my full support.

Back to Homepage

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments