Deretsahan
Dagupan, hello?
By Bebot Villar
NAGPAKITANG gilas ang bagong regional director ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 1 na si Col. Roybel Sanchez sa pagkaka aresto ng dalawang babaeng drug couriers from Pasay City.
September 4 nang mangyari ang one of the biggest drug haul sa isang buy-bust operation na isinagawa ng PDEA under Director Sanchez dito sa Region 1. Nalambat nila sa Barangay Lucao, Dagupan City sina Emily Fernandez, 48, alias Emy at Kim Gama, 23, both from Pasay City and are believed to be suppliers of shabu in Dagupan City.
One-half million pesos ang halaga ng shabu ang nakuha nila from the two. Around 83 grams if I’m not mistaken. Ang laki nun. Ang lalakas ng loob ng mga ito. No fear. Hataw sa drug pushing. Nakailang ulit na kaya silang nagdala ng ganito kalaking halaga ng shabu?
Based on the report form PDEA, na-consfiscate ng PDEA agents ang dalawang knot-tied transparent plastic bags na may lamang shabu, at three P500 bills and the marked money na ginamit para sa buy-bust. Ito yong mga nire-repack at binebenta sa mga clients nila… mapa estudyante, professionals, drivers, mayaman o mahirap. Nilalagay pa diumano sa gift bag ang illegal substance na bitbit ng mga suspects para magmukhang okay lang na casually maglakad- lakad at di mahahalatang shabu na pala ang laman.
Natuwa ako sa early Christmas ng PDEA sa kanilang score card sa anti-drugs campaign natin. Although kakaupo pa lamang ni Col. Sanchez ay impressive na agad ang accomplishment nya. Yan ang dapat tularan, not the kind na inaamag na sa pwesto and no significant contribution. Kung meron man, point-point lang, walang kwenta.
* * * *
Kung hindi bata, mga babae naman ang ginagawang drug couriers ng mga drug financiers. Malayo kasi sa suspetsa na gagawa ng masama ang mga tulad nila, lalo na kapag babae, parang not the kind to do wrong, parang hindi makabasag ng pinggan, in short, harmless. But remember, appearance is deceptive.
Meron nga dyan, angelic ang mukha ng babae pero demonyo pala ang nasa loob. We have many of their kind, maski sa pulitika. Kunwari sweet and caring pero sa totoo lang, napakatuso.
Kung bata naman ang naa-aresto, gagawing palusot ng mga ring leaders yang inutil na Republic Act 9344 or the “Juvenile Justice and Welfare Act of 2006” na nagpro-protekta sa mga menor de edad na maparusahan sa kanilang kasalanan. Tuturuan ang mga minors na magnakaw, magbenta ng drugs, pumatay at kung ano pang heinous crimes at sasabihing “Okay lang yan boy (o ineng) kasi di ka naman makukulong.”
Dapat alamin kaagad ang mga big fish na gumagamit ng mga minors sa kanilang operations.
* * * *
That most recent drug haul ay isang eye opener sa mga public officials natin. Looking at it closely, ang lakas ng loob ng mga drug couriers na ito. At base sa aking information, malapit pa sa isang community precinct ang area ang ginawang delivery point.
Ganoon na ba katalamak ang illegal drugs dito sa Dagupan? Ang kaso, may mga nagagalit pa daw pag nababanggit ko dito na isang transshipment point ng drugs itong Dagupan City. At nabubuwisit pa daw yong ilang opisyal ng syudad dahil nasasabi nating drug haven ang barangay Bonuan Binloc sa Dagupan.
I ask them: Bakit hindi ba totoo?
Anong gusto nilang mangyari? Magbolahan lang tayo? Sabi ko nga, they have to act para mabura itong mga pangit na impression sa Dagupan. Buhay ng mga tao ang nakasalalay dito.
Ang alibi nila: “Walang perang pang buy-bust!” Eh kung i-share na lang nila sa mga drug enforcement agents yong 10 percent na kita nila sa jueteng na kunwaring jai-alai para magamit sa buy-bust operations nila, ed di para maramihan na sana ang ma-confiscate nilang droga.
Ang laki ng Pangasinan, that’s why I am sure ang laki-laki rin ng kita ng ilang opisyal natin diyan sa illegal gambling. Progressive ang Dagupan at sigurado akong patok na patok ang betting sa jueteng at drop-ball diyan.
Deretsahan lang. If you love your community, maski konting sacrifice lang, tiyak tapos ‘yang droga na ‘yan. Mawawala ang mga drug pushers, wala na ring drug addicts sa ating mga pamilya!
Ang sabi nga nila: Pag gusto, may paraan, pag ayaw, maraming dahilan!
Share your Comments or Reactions
Powered by Facebook Comments