Deretsahan
Drug-induced crimes
By Bebot Villar
LATELY, sunud-sunod ang holdup sa mga gasoline stations sa Pangasinan. Ang pinaka-recent ay sa San Carlos City, Alaminos City at sa Alcala.
While small-time lamang diumano ang mga itinatakbong cash, ang mga possible suspects ay hindi dapat ipagwalang-bahala. Paano na lang kung sa pag-hold-up nila ay magkabarilan pa at may mamamatay?
According to Senior Supt. Mariano Luis Verzosa Jr, OIC provincial police director ng Pangasinan, ay posibleng mga addict ang mga suspects na nagdedelihensya ng pang-maintain sa bisyo nila. So kung drug-related ito, like with many crimes, dapat talagang pag-ibayuhin ang campaign against illegal drugs. We cannot feel safe anymore kung alam nating nandyan lamang sa pali-paligid natin ang mga addicts.
* * * *
We already asked this question sa column na ito, ano ba ang marching order ni PD Verzosa on illegal drugs? I noticed kasi na malamya ang kapulisan at mukhang sa Dagupan City lamang nagkakaroon ng sunud-sunod na accomplishments on illegal drugs.
Sabi naman ni PD na “reinvigorating campaign” daw, base sa kautusan na rin ng nakatataas. If so, bakit nobody feels and sees the “reinvigorating campaign”? Sounds like all-talk-no action lang. Huwag sana.
In-admit naman ni PD, according to my mole, na halos lahat ng areas sa Pangasinan ay alarming na ang illegal drug problem.
Hindi plastic si PD. Sa mismong bibig na rin nya nanggaling na itong illegal drugs ang ugat ng mga rape, murder, robbery, at ibang mga krimen. Lumalabas sa mga tests na kadalasan ang mga perpetrators ay under the influence of drugs.
Meron naman siyang directive daw sa mga kapulisan but pinagdiinan niyang the support of the local government unit is highly vital. Siyempre nga naman! Kung ang mayor is the protector of drug dealers, siguradong nakatali ang kamay ng kapulisan. At malaki ang tulong ng LGU in terms of funding support gaya ng providing money for buy-bust operations.
Naikwento ni PD Sonny na noong panahon niya bilang police chief ng Dagupan, ang Catholic Church ang tumulong sa kanyang campaign laban sa droga, financially, that is. Surprised? Ako mismo na-surprise. But how that happened, secret na ni PD yun, kung kayat nagkaroon siya noon ng malalaking operation din na nagresulta na hindi lang point-point na gramo ng shabu na nakumpiska noon.
Kailangan naman talaga, match words with deeds. Hindi lang puro salita, puro mga moral support. Dapat may financial support na kasunod. And the fund should be used for the purposed of achieving the objective par may positibong accomplishment ang support na yan.
Sa totoo lang, dapat ang support ay manggaling from all sectors at dapat ipakita ni PD na may mangyayari sa binibigay na support.
* * * *
Hanggang end of Agosto na lamang pala si Supt. Romeo Caramat Jr. as chief of police ng Dagupan. He will go on schooling kasi kailangan yun para sa advancement nya sa kanyang career.
Sana, yong successor niya ay masigasig din tulad niya sa illegal drugs campaign. Ayon sa listahang aking nasilip, ang mga aspirants sa juicy position police chief ng Dagupan ay sina: Supts. Paquito Navarrete, Ronald Gayo, Rodelio Samson, Noel Vallo at Cris Abrahano.
Balita ko hindi na mapakali ang mga nominees. Syempre nga naman kasi premier city ang Dagupan.
Sino kaya sa kanila ang pipiliin ni Mayor BSL? Abangan.
Share your Comments or Reactions
Powered by Facebook Comments