Deretsahan

By August 20, 2012Archives, Opinion

Uphill fight against smugglers

By Bebot Villar

SABI ni President Aquino: Tahakin na natin ang tuwid na landas.

Magandang political campaign advocacy, but is this what’s happening? Palagay ko malayo pa sa katotohanan.

Just look at the padrino system na sinasabing main cause of graft and corruption.

Hindi lang naman sa government offices umiiral ang ganitong sistema dahil maski sa private agencies meron din. Kadalasan ang mga job vacancies ay inilalaan sa mga protégés. At maski na matagal ka nang naghintay ng maraming taon at nagtrabaho ng todo, someone less qualified with the right connections will likely get promoted.

Nakakadismaya, di ba?

Kapag nahuli even for a simple traffic violation, tawag na agad kay “ninong” para makalusot. Sa pagpasok ng mga contraband items, kailangan maitimbre sa “connection” para iwas huli. Sa tingin nyo ba makakalusot ang mga smugglers na ‘yan kung walang padrino system?

Kaya malalakas ang loob ng mga smugglers because alam nilang hindi sila pababayaan ng mga “protectors” nila na nakikipagsabwatan sa kanilang kalokohan. Basta the price is right.

Kaya ang kawawang gobyerno. Hayun, bilyun-bilyon ang nawawalang halaga sa mga dapat na taxes bayaran sana ng mga importers pero dahil sa misdeclaration or technical smuggling na pikit-matang pinalulusot ng mga taga Customs. No sweat nilang naipupuslit ang mga smuggled items sa bansa kagaya ng karneng baboy, manok, sibuyas at bawang.

Hindi ba kayo nagtataka, bawal ang Peking Duck dito sa Pilipinas, pero tingnan n’yo ang lahat ng Chinese Restaurant at mga hotels at siguradong may Peking Duck sa menu! Bakit kaya??

Huwag na tayong lumayo, look at the Bagsakan market sa Urdaneta City. Sa simpleng imported na sibuyas at bawang na nga lang ay binabaha na ang mga public markets natin sa dami ng mga ito. Hindi na halos pinapansin ng mga mamimili ang mga locally-produced onions and garlic dahil mas mura lang ang pagbenta ng mga smuggled na imported ng mga ito. Bakit mura? Dahil lusot sa customs! Ano’ng laban ng mga local onion and garlic producers? Nothing. Wala silang magawa at ang gobyernong dapat na mag protekta sa kanila ay nagbibingi-bingihan at nag bubulag-bulagan na lang.

Kung ayaw kaya ng mayor na ipabenta ang mga ganyang klaseng smuggled items, pwede kaya? Oo naman basta gusto, maraming paraan pero pag ayaw, maraming dahilan. Baon na nga sa utang ang kawawang farmers, mas lalong ibinabaon pa sa mas matinding kahirapan dahil sa pagbalewala sa kanilang kapakanan.

It’s a good thing na nandyan ang kaibigan nating si Engr. Rosendo So, founder ng Abono partylist, na walang takot makipaglaban para sa mga magsasaka at walang preno ang advocacy nya laban sa smuggling. Hindi lamang sa smuggled imported meat nakasentro ang laban ng kanyang grupo kundi pati rin sa mga agricultural products.

Kung tutuusin ay hindi na dapat gawin ito ni Sendong at magnegosyo na lamang sya at mamuhay ng tahimik. Pero hindi sya makasarili, hindi tulad ng ibang mayayaman at influential because masgusto nyang to take the lead and fight for the lowly farmers.

Yan ang tunay na partylist , hindi katulad ng iba dyan na kunwari ay para sa mga marginalized sector pero deafening silence naman ang kanilang accomplishment.

Mga walang kwenta.

Buti nga at ang focus ng Commission on Elections today ay i-screen na ngayong 2013 elections ang mga partylist groups at yong mga nais ma-accredit. Dapat lang talagang ibasura na ang mga non-performing partylist groups dahil pabigat lang sila sa kaban ng bayan.

Pandagdag lang sila sa mga congressmen na pa cute lang at mga chairmen ng Committee on Silence.

Back to Homepage

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments