Deretsahan

By August 13, 2012Archives, Opinion

Shabu is cheap in Pangasinan

By Bebot Villar

Panay ang reklamo natin pag mataas ang presyo ng mga bilihin pero did you know na the price of shabu in Pangasinan is now the cheapest in Region 1?

Yes, that’s according to officer-in-charge Police Provincial Director, Senior Supt. Mariano Luis Verzosa, Jr, sa kanyang presentation ng peace and order situation sa Pangasinan last Monday before members of the provincial board.

This is bad news. Masama ang ibig sabihin niyan dahil nasabi pa ni Verzosa na ang shabu is the most common illegal substance used by drug users in Pangasinan, aside from marijuana.

Di ba pag mura ang bilihin, ibig sabihin marami ang supply ng commodity na yan. Kaya kung mababa ang presyo na ng shabu dito, it means sobra na ang dami ng supply ng shabu na nakakalat sa Pangasinan. Talagang nakakatakot na. Baka mamaya, parang candy na lang na ang pagbenta ng shabu. (That’s possible pag tuloy-tuloy magbubulag-bulagan ang ating mga kapulisan at mga local officials ng mga bayan at ciudad dito sa Pangasinan).

Quoting data from the Philippine Drug Enforcement Agency, sabi ni Verzosa na ang bentahan ng shabu sa Pangasinan P6,500/gram. Sa La Union P10,500/gm, sa Ilocos Sur at Ilocos Norte parehong P10,000/gm. Sa Metro Manila diumano galing ang shabu na binibenta dito sa Pangasinan, ayon kay PD. (Ang mahal sa Pangasinan ay marijuana.  Ayon kay Verzosa, it is sold here at P50/gm while in La Union it’s P25/gm, sa Ilocos Sur P40/gm at Ilocos Norte P45/gm.).

More worrisome dito ay mukhang mapag-iiwanan ang illegal drugs campaign kasi ang matunog na nababalitaan ko ay naka-focus si Verzosa sa mga hitmen-riding-in-tandem, mga loose firearms at mga private armed groups. Eh ano kaya ang marching orders niya sa droga? Kailangang magkaliwanagan din dito para alam ng communities natin kung ano ang posibleng mga problema na haharapin nila.

At dahil napakaaktibo ang kampanya ng kapulisan dito sa Dagupan City against illegal drugs, lilipat ng lugar ang mga nabubulabog na illegal drug peddlers. Kaya attention Sr. Supt. Verzosa!

*      *      *      *

Most recently, a 23-year old female nursing student in a university in Dagupan ay nahuli ng police. Found in her possession ay ilang sachet ng shabu, worth P125,000.

Ayan na! Isang student at babae pa ay isang drug pusher na. At hindi sya isang pipitsugin na pusher kung pag babasihan ay ang volume ng droga na nakuha sa kanya. This is proof na malakas ang kanyang negosyo, maraming customers. Malamang mga estudyante ring katulad nya ang mga suki nya. Siguro naman alam na ito ng mga officials ng university na pinapasukan nya. Sana gumawa na sila ng honest-to-goodness campaign kontra droga sa bakuran nila mismo. Baka mamaya nyan, wala silang kamalay-malay na ang mga students nila ay puro bangag na.

Sino naman kaya ang nasa likod ng big time student-pusher na ito? ‘Yan din ang dapat pagtuunan ng investigation ng Dagupan police.

*      *      *      *

Sa Urdaneta City naman, nakatanggap ako ng report mula kay Asec Gadapan na ang PDEA Region 1 ay nag-conduct ng buy-bust operation noong August 2 na nauwi sa isang shoot-out sa Barangay San Jose. (Aside from Dagupan City, kasama na ang Urdaneta City na may malaking problema sa illegal drugs). Napatay si Asis Hadji Modior at nakuha sa kanya ang tatlong sachet ng shabu, isang caliber .45 pistol at magazine na may six live ammunitions.

Dapat paigtingin pa nila ang campaign kontra droga diyan sa Urdaneta dahil mismong si Vice Mayor Onofre Gorospe ang nakapagsabi sa akin minsan na meron na diumanong narco politics sa kanila. Hindi biro ‘yan. This is serious! Sana hindi hahayaan na lang ng mga law enforcers ng Urdaneta na maging haven of illegal drugs itong napakagandang lugar na ito. Dapat hindi na kailangan ang PDEA sa Region 1 pa mag-operate sa Urdaeta, sila na dapat!

Kung napalinis ni Mayor Bobom Perez ang lugar nya laban sa mga nagkalat na basura, madali niyang malilinis sa illegal drugs sa Urdaneta kung mapagtuunan nya ng dobleng pansin itong lumalalang problema sa droga diyan.

Mayor, itong droga ang mas malaking basura sa lipunan! Sayang lang ang mga efforts mong pagandahin at paunlarin ang ciudad mo kung naglipana naman ang mga pushers at users diyan.

Back to Homepage

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments