Deretsahan

By August 6, 2012Archives, Opinion

Ang mga BI sa city hall

By Bebot Villar

WERE you surprised by the news sa dalawang Dagupan City Hall employees na caught in the act having a pot session?

May kanya-kanyang panahon para ma-expose ang lahat ng maling gawain.

Malamang matagal nang hooked on drugs ang dalawang nahuli at pati oras ng trabaho ay walang pakundangan kung gumamit sila.

Mabuti naman at sa wakas ay na aksyonan at nabuking na rin itong sina Perfecto Velasquez Jr., Revenue Collection Clerk II sa city treasurer’s office-market division at Heroine M. Aquino, isang emergency worker assigned sa anti-hawking group.

Ikinulong at kinasuhan na ang dalawa. Mga Bad Influence (BI)!

Balita ko ay anak nga ito ng barangay kapitan sa Dagupan itong si Velasquez.

Heto na nga ba ang sinsabi natin eh. Impossible na hindi alam ng kapitan o sino mang barangay official na meron silang constituent na addict. Much more kung anak mo pa. Sa balitang nakarating sa akin, may katagalan na rin palang involved itong Velasquez na ito sa ganitong gawain. Isang insider ko pa ang nagsabi na hindi lang user ang level nito.

Truth is, kapag user ka at wala ka nang pang-gastos para sa bisyo mo, gagawa ka ng paraan para ma-sustain ang bisyo mo. So what’s your best remedy? Mag-level up as pusher. Mabuti na lang at kahit papaano ay naging maagap din ang kapulisan ng Dagupan. Kaya muli, isang snappy salute ang alay ko kay Supt. Romeo Caramat at ang mga tauhan nya.

Sa pagkakahuli sa dalawa, mas lalo dapat na ipursigi ang pagsasagawa ng random drug testing sa lahat ng mga empleyado ng Dagupan City Hall. Ito ay para malaman kung ilan pa kaya sa kanila ang bangag sa droga? Obserbahan n’yo ang mga kilos nila, ang porma ng katawan, ang pungay ng mata, ang pag-uugali, ang trabaho, mga bisyo nila.

Dapat lang talagang linisin ang Dagupan City Hall sa mga BI na tulad nila. Imagine what people have to say kung mismong sa bakuran nyo ay nagkalat pala ang mga salot na gaya nila?

Sinuspinde indefinitely na daw ni Mayor Benjie Lim ang dalawa at nangakong walang sasantuhin ang kanyang kampanya laban sa droga. Dapat lang! Maski anak pa ng kapitan ‘yan, mas dapat pa ngang sampolan para matauhan ang iba pang kasama sa drug problem natin.

First it was Bonuan Binloc, ngayon naman ay sa Carael. Saang barangay kaya ang susunod? Abangan.

*      *      *      *

Balita ko ay may isang nag-aambisyong mag-vice governor ang panay ang ikot ngayon sa Pangasinan at nangungumbinsi ng mga partymates nya at ibang kilalang pulitiko na lumaban sa next elections at maging supporters din n’ya.

The problem is mukhang mababa ang credibility standing ng kawawang opisyal. Sa talino, magaling sya, walang duda. Pero sa pag-uugali, mukhang below zero kaya walang may gustong sumama sa kanya.

Sa tingin ko lang, up to now, the incumbent governor, my kumpadre Espines, still has the upper hand, enjoying Pangasinenses’ trust and love, who will vote for him in the next elections and maybe even beyond.

I know marami naman talaga kasing ginawang maganda ang kumpare ko because maski hindi kami nagkikita n’yan, ay naka-monitor ako sa mga accomplishments nya.

One term na lang at patapos na siya. Siguro, kung titimbangin mabuti ng sinumang lalaban ang sitwasyon ay mahirap na itumba ang incumbent governor at ang kanyang vice governor dahil maganda ang kanilang tandem.

Pero may mga kahinaan din siya, gaya halimbawa sa peace and order na alam naman nating trabaho ng pulis yan. And as a former police officer, alam natin na under his baton, ay kayang-kaya nyang bigyan ng tamang direction at matinding utos ang kapulisan upang linisin ang Pangasinan, labanan ang mga kriminal at krimeng nagaganap, lalo na sa drugs na matagal na rin nating sinasabi.

Napakalaki ng Pangasinan at mas maganda sana kung iwasan ang bangayan at sa halip ay mag-tulungan na lang. Pero hindi rin ako sang-ayon na pikit-mata na lang tayo sa mga katiwalian.

Ang sa akin lang, kung hindi ka rin lang makakatulong sa kasalukuyang problema, tumahimik ka na lang. Mahirap din kasi ‘yong puro ka na lang putak ng putak tapos pag harap-harapan na ay masahol ka pa sa maamong tupa kung makipag plastikan.

Back to Homepage

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments