Deretsahan

By July 16, 2012Archives, Opinion

Nakakadismaya

By Bebot Villar

FINALLY, mukhang honest and sincere na ang campaign against illegal drugs sa Dagupan City.

I am glad that local leaders and the police finally realized the terrifying impact of the drug menace if they do not lift a finger to solve it. Mabuti naman at hindi na umabot sa puntong parang binebenta na lang sa sari-sari store ang illegal drug dito.

Now we see a persistent campaign to rid the city of this problem through various forums in schools and in the barangays, arrests of drug personalities and seizures of the prohibited substance, maski na pa-point-point gram nga lamang ang bigat.

May mga nababalitaan din tayong may pinapatay dahil di-umano sa onsehan sa droga. Whatever is the reason ng pagpapatayan nila, para sa sakin, dapat taptan ng iron-hand ang mga walang kwentang tao na involved sa illegal drugs. Walang kwentang mabuhay ang mga ‘yan dahil marami silang sinisirang buhay at pangarap at dapat lamang na manahimik na sila para hindi na uli makabiktima at pamarisan.

I have always known, maski noon pa, na napaka-supportive ng mga school officials sa Dagupan sa anti-drug abuse campaign. Proof n’yan ay ang kanilang all-out support sa Barakada Kontra Droga natin na talagang itinaguyod naman ni Vice Mayor Belen Fernandez kasama ang DepEd para sa mga kabataan hanggang ngayon, both school-based at community-based.

Meanwhile, si Mayor Benjie Lim naman ngayon ay busy sa mga meetings with school principals sa pagsasagawa ng mga information-education dissemination drive among junior and senior high school students sa iba’t-ibang schools ukol sa problema at sakit na dinudulot ng illegal drugs.

May plano pa raw ang city government na bumili ng drug testing equipment, magpapatayo ng drug rehabilitation center para sa mga biktima at skills training center para sa mga naging biktima nito, para sa family counseling at iba pa.

Pero sa planong drug rehab center, hindi na necessary ‘yan kasi nandiyan na ang Treatment and Rehab Center sa Binloc na ang pinagawa natin, with Congresswoman Gina de Venecia, Department of Health. Ang DDB ay nagbigay ng P10-million na diyan. Si Vice Mayor Belen Fernandez ang lumapit for additional funding for that center and we readily said yes.

Pagkaisahan na lang nating lahat ang paglaban sa salot na ito at siguradong tayo ang winner sa ating mission. Mahirap ‘yong kanya-kanya. Dapat iisa ang boses at action na ginagawa.

*       *        *        *

Noong Martes ay pumunta si Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo sa La Union upang maki-dialogue at ibigay ang Performance Challenge Fund (PCF) sa mga local government units bilang bahagi ng programa ng DILG para sa Seal of Good Housekeeping.

Noong 2010, kasama ang Sto. Tomas, Pangasinan sa mga awardees at nabiyayaan ito ng P1-million prize bilang incentive na ginamit naman sa makabuluhang project.

Ang isa sa objectives ng award na ito ay “to recognize LGUs exhibiting good performance in internal housekeeping particularly in the areas of transparency and accountability, fiscal management, and valuing performance monitoring”.

Itong PCF ay isang financial incentive na ibinibigay sa mga LGUs na nabigyan ng Seal of Good Housekeeping para pondohan ang kanilang local development initiatives sa tourism, local economic development, disaster risk reduction and management and solid waste management.

Sa 2011, may 24 LGUs sa Pangasinan ang muling mabibiyayaan this year. Unfortunately, hindi nakasama ang Sto. Tomas. This is a big surprise sapagka’t alam naman ng marami na, modesty aside, kung gaano pinagsisikapan ng mga local leaders ‘dyan na ibigay ang pinakamagandang serbisyo sa tao.

May mga nagtatanong, “Ano’ng nangyari? Bakit hindi kayo nasama?” “Baka naman nagkulang ang local DILG officer n’yo sa pag-submit ng mga requirements?”

Kaya tuloy napapa-isip din ako at gusto kong maimbestigahan what happened. Kapag alam mong ginagawa mo ang lahat at alam mong deserving ka na makuha ang isang award and yet hindi napasaiyo, natural mapapaisip ka ng malalim. Ano ang kulang? Alin ang mali?

Siguro nga, panahon na para implement and limited tenure of office sa mga local DILG officers lalo kapag nag-kaka-edad na at mukhang ang efficiency level ay hindi na gaanong kaaya-aya. Dapat din i-review ng mga higher ups ang track record ng mga awardees at suriin what went wrong kung bakit ang isang dating multi-awarded ay biglang wala sa listahan sa mga ganitong parangal.

Nakapagtataka. Nakakalungkot.  Nakakadismaya.

Back to Homepage

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments