Deretsahan

By July 9, 2012Archives, Opinion

No LP-NP-NPC coalition here?

By Bebot Villar

UMIINIT na ang usapin tungkol sa 2013 elections. Whether we like it or not, prospective candidates and their supporters are now preparing.  Dapat lang, especially sa mga hindi incumbent kasi they have a lot of catching up to do.

Sa national scene, balitang ang ruling Liberal Party, Nationalist People’s Coalition at Nacionalista Party will most likely field a common senatorial ticket in the May 2013 elections.

Kailangan nilang mag-field ng formidable administration coalition and equally formidable senatorial ticket bilang pangtapat sa United Nationalist Alliance na talaga namang puspusan na ang paghahanda sa darating na halalan.

Ang good news ay, itong administration coalition ticket na ito ay maaaring mangyari hanggang sa local candidates. Pero ang bad news na nakakarating sa akin mula sa mga reliable sources ay baka hindi kasama ang Pangasinan provincial positions, especially sa top post, itong coalition ticket na ito.

Kaya siguro dapat lang na maghanda ang mga kaibigan natin dito. Let’s hope for the best and prepare for the worst.

Sa tingin ko, sobrang lakas ng pagbulong ng mga malalapit sa mga powers-that-be kung bakit hindi magiging applicable itong coalition ticket to have a common candidate ng administration dito sa Pangasinan. Ang daming sinabing mga scenario sa kanya na di-umano signs na posibleng mangyari nga itong worst scenario.

Kung nagkataon, matindi ang labanan sa gubernatorial post sa Pangasinan. Let us all remember that this is a mid-term election at malaki ang impluwensya ng isang sitting President.

Smooth-sailing na sana ang takbo ng progreso ng Pangasinan sa mga susunod pang tatlong taon kapag matuloy ang coalition hanggang sa provincial level. Lamang ng milya-milya ang kumpare kong si Gov. Amado Espino Jr in terms of accomplishments under his administration. Alam kong bilang isang dating magaling at respetadong military at police officer, magaling s’ya sa pagpaplano at pag-execute ng mga ito.

May mga bagay lang na biglang nangyayari at talagang dapat handa tayong harapin ang mga ito.

*       *        *        *

Sa dako ng Biskeg na Pangasinan which I founded and recognized by the Commission on Elections as an accredited provincial political party, mananatiling buhay ‘yan sa darating na halalan. Malaki na nga lang ang pagkakaiba ngayon dahil nasa gobyerno ako kaya naghahanap tayo ng isang taong may totoong malasakit for the good of Pangasinan at hindi ang pansariling kapakanan upang humawak d’yan.

Pipili lang tayo ng mga kandidato, maski na mga baguhan sila basta makita natin ang tamang idealism sa pamumuno at hindi corrupt at magaling lang manggamit, para suportahan natin. It does not matter ‘yong quantity ng bibigyan ng endorsement ng Biskeg kundi ang quality ng mga kandidato.

Hindi nagtatapos sa pamimigay ng endorsement. Ang gusto natin ay hindi yong mga fair weather friends lang. Dapat no matter what, sama-sama para sa ating probinsya.

*       *        *        *

Maganda ‘yong ginawa ng mga Pangasinan mayors na nagka-isa sila upang pagbawalan ang pagbenta ng imported frozen meat sa mga palengke nila.

Totoong sobrang pahirap na ang ibinigay nitong mga imported smuggled frozen meat sa ating mga hog raisers, especially sa mga pang backyard lamang ang livelihood nila.

Kung hindi sana pinapalusot ng Bureau of Customs itong mga karneng ganito, wala na sanang ibebenta sa mga palengke. Malaking pera ang involved d’yan kaya isang Herculean task na totally ma-stop ‘yan. Sindikato ang gumagalaw d’yan. Saludo ako sa grupo ni Engr. Rosendo So for taking up the cudgels for the affected sector, especially the voiceless backyard hog raisers.

Pero, sana huwag lang sa imported frozen meat ang concentration nila. Noong chief pa ako ng Presidential Anti Smuggling Group, nanawagan na ako na sana isali sa mga ipagbawal ang mga imported agricultural products that are flooding the local markets gaya ng luya, bawang at sibuyas.

Kawawa ang mga mahirap na magsasaka natin dahil hindi nila halos mabenta sa tamang presyo ang mga produkto nila dahil sa mga imported agricultural products na ito that are sold at cheap prices.

Baon na baon na sa utang ang mga magsasaka natin. Kapag nagpatuloy ang maling sistema na ito, malamang mamatay na sila at ang mga pamilya nila sa gutom.

Back to Homepage

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments