Deretsahan

By June 25, 2012Archives, Opinion

Ang dapat No. 1 priority

Ni Bebot Villar

FINALLY, mukhang namulat na rin ang mga opisyal ng Dagupan City at nakita nila kung gaano na ka-seryoso ang problema sa droga.

Pagkatapos ng isang multi-agency conference na nag- present at nag-analyze ng alarming effects ng lumalalang drug problem in the city, mukhang naging eye-opener ito sa mga local leaders. Dati, dine-deny pa ng ibang opisyal kapag sinasabi ko na matindi na ang drug problem at ako mismo na chairman ng Dangerous Drugs Board (DDB) ay na-a-alarma dahil mismong probinsya ko ay naturingang transshipment point.

Truth is, naka-ka-lungkot talaga dahil mukhang iba ang focus ng mga local leaders natin. Priority nila ang pag-papa-ganda ng mga facilities sa Pangasinan. But what’s the use of having beautiful physical infrastructure kung kabi-kabila ang crime incidents and most of these, honestly, are drug-related?

Aanhin natin ang magandang munisipyo, mala-palasyong Kapitolyo kung masama ang peace and order situation natin?

*        *        *        *

Kaya, natuwa ako sa ginawa ni Dagupan City Mayor Benjie Lim sapagkat naki-isa na s’ya sa mga dumaraming sumasama sa anti-illegal drugs campaign.

Nagkaroon ng Memorandum of Agreement (MOA) signing nooong Lunes. Ok yan! But that must be sustained. Huwag lang sa salita, o sa isang dokumento lamang. Ipakita natin sa gawa.

No less than Edgar Apalla, ang regional director of Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang nagsabi na ang two cities sa Pangasinan, namely Dagupan at Urdaneta, ay transshipment points ng illegal drugs.

As transshipment areas, mga droga galling sa Metro Manila, Cavite, Bulacan at Camiling sa Tarlac ay dinadala dito for distribution sa mga bayan sa Pangasinan, sa Baguio City at Ilocos Norte. Sabi ni Mayor Lim, “drop off points” daw, not transshipment. Para sa akin, it means the same thing. Dadalhin dito, i-di-distribute sa ibang lugar.

 Di ba nakakatakot na bakit sa mga lugar na ito napili ng mga drug pushers/traders gawing transshipment points? Dahil ba kaya mahina ang law enforcement dito weak kaya ok lang mag negosyo dito ng droga?

*        *        *        *

Sa MOA signing na yun, may feedback ako na galit na si Mayor Lim at nag-warning (uli!) sa mga drug pushers. Parang gusto n’yang ipakita that their days are numbered na walang sisihan kung may masamang mangyari sa kanila.

“I am dead serious about this. I want to see our city drug-free.” ‘Yan ang mga sinabi ni mayor.

Parang “go ahead, make my day” ang dating.

Ganyan ang dapat. Pero di ba mayor, several months ago, dati na rin kayong nag-warning sa mga taga-Binloc dun sa resettlement area na ipa-pa-demolish n’yo ‘yong bahay ng taga-roon na hindi titigil sa pag-bebenta ng droga? May na-demolish na ba?

By the way, hindi daw sinama (intentionally kaya?) ang Sangguniang Panlungsod sa MOA-signing na ‘yun. Nai-intindihan natin na sina Mayor Benjie at Vice Mayor Belen Fernandez ay hindi magkasundo sa maraming bagay. Pero, pwede bang i-set aside muna ang politics at magka-isa kayo sa laban kontra droga?

Kailangan bang pairalin ang pride? Akala ko ba mutli—sectoral, multi-agency at kailangan ang pag-kaka-isa ang laman ng speech ni mayor dahil hindi nya kayang gawing mag-isa ang laban na ito? Mas matutuwa ang taong-bayan kung sa kilos ninyo ay tunay na nag-kaka-isa kayo.

Balita ko hindi rin tinawag upang pumirma as a matter of protocol si Councilor Jess Canto na naroon na sana’y sya na lamang ang kumatawan sa Sangguniang Panlungsod sa ginawang MOA signing. Tsk, tsk, tsk. Saka na lang ‘yang pulitika, may tamang panahon d’yan.

May nag-tanong uli sa akin kung pa-paano na raw ‘yong mga programa ni VM Belen laban sa droga? Kung di pa alam ng mga readers natin ay isa sa pinarangalan ng DDB last year as one of our national awardees ay itong si Vice Mayor Belen bilang isa sa mga tunay na kakampi natin sa anti-drugs campaign dahil sa kanilang mga projects. Vice Mayor, ituloy mo lang ang mga projects mo, especially ‘yong Barkada Kontra Droga. Nasa likod mo ako lagi.

Si Mayor naman, you have my total support din para linisin ang Dagupan laban sa mga drug pushers na yan. Totohanin lang sana natin ang paglinis para makita nilang we mean what we say.

Sa Urdaneta, may isang taga-Commission on Audit (COA) na nag-sabi sa akin na very much worried s’ya para sa kanyang anak dahil sa lantarang bentahan droga d’yan sa Urdaneta.

Mayor Bobom Perez, ‘wag lang pag-li-linis ng basura sa kalsada at kapaligiran ang gawin mo sa Urdaneta. Number one sanang linisin mo ‘yang mga basurang pushers na nagkalat sa lugar mo.

Back to Homepage

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments