Deretsahan

By June 11, 2012Archives, Opinion

Losing a heritage in Bayambang

By Bebot Villar 

NAKAKAAWA, nakakalungkot at nakakapanggigil ang sinapit ng mga estudyanteng nawalan ng classroom sa pagkasunog (o sinunog?) na Gabaldon Building ng Bayambang Central School (BCS) madaling araw noong Wednesday.

Twelve classrooms, one store room sa 100 years old na Gabaldon Building ang biglang nawala sa landas ng mga taga Bayambang.

Markahan ang petsang ito: June 6, 2012. The day greed prevailed over the good of men. The day not just a historical building turned to ashes but when beautiful dreams died.

Maraming katanungan sa kaisipan ng mga parents at teachers ngayon, pati na ang mga inosenteng bata sa incident. Hindi sila makapaniwala.

In my own analysis at based on reports reaching me, napaisip din ako: Nagkataon nga lang ba na nasunog ito o sadyang pinasunog ang BCS?

Marapat lamang na magsagawa ng masinsinang investigation ang mga arson investigators at kung sakaling makarating man ito sa mga kinauukulan sa itaas, mas magandang isang independent probe body ang mag imbestiga para masasabing talagang fair and square ang investigation.

Imbestigasyong walang kinikilingan, walang pinoprotektahan.

Takot na takot ang mga residents roon na magsalita pero may mga ilan ding bumubulong ng mga inside stories at ‘yun ang challenge ko sa mga investigators, na tumbukin ang kanilang sinasabi so that truth will come out.

Napakadaling magsabi na faulty electrical wiring gaya ng mabilis na sagot ng mga local fire investigators. Pero kailangan, katotohanan ang palabasin.

*      *      *       *

Galit ako.

Galit ako dahil alam naman natin ang story behind it. Galit ako dahil nakikita ko how some greedy businessmen could think of depriving students of their future para lang kumita ng malaki.

Pati ba naman eskwelahan hindi n’yo sasantohin? Anong klaseng tao kayo? Wala ba kayong konsensya? I thought para sa bayan, para sa mga mahihirap kayo? Pera-pera lang naman pala ang katapat nyo!

Ang galing-galing n’yong manlinlang ng tao. Ano ito, kung hindi makuha sa santong dasalan, kunin sa santong paspasan? Aren’t you businessmen rich enough? What are you trying to prove?  Mas malakas ba ang bulong ng kawalanghiyaan sa inyo kaysa sa pag-tahak ng kabutihang asal?

Business versus future of innocent minds. Pera, pera, pera na lang ba lagi ang iiral sa utak nyo?

At sa mga local leaders, hanggang kailan kayo mag-bu-bulag-bulagan sa katotohanan? Hindi n’yo ba kayang panindigan at ipaglaban ang kapakanan ng taong bayan? 

*      *      *       *

Kaya, here are the questions that beg honest answers.

‘Di ba’t last year lamang ay masyadong maingay ang issue na nais ilipat ang eskwelahang ‘yan sa kagustuhan ng ilang maimpluwensyang tao sa politiko?

Accident lamang kaya ang nangyaring sunog?

Coincidence ba na ang mga bombero lang ng Alcala at Bautista ang sumaklolo para patayin ang apoy? O sadyang sila lang ang tinawagan?

Coincidence rin kaya na may nag-attempt na pagsunog sa isang classroom sa likod nitong Gabaldon building noong May 10? (Good thing, may nakakita agad sa usok at naapula ito agad).

*      *      *       *

Pagkatapos masunog (sinunog?) itong school na ito, what’s next? Kung kaya nilang gawin ito, pwedeng-pwede rin nilang ulitin ito sa iba pang historical sites or heritage.

Nakakalungkot na sa pictures na lang at sa mga historical books maaalala ng mga tao ang Gabaldon Bldg. ‘Yong dating historical landmark ay nagmistulang abo na lamang.

Ano kaya ang plano nilang itayo rito? Sentro kasi ng bayan ang lugar na ito kaya maganda. Ang balita ko ay isang mall na naman. Mga ganid kayo!

Iilang bayan na lamang ang may ganitong klaseng Gabaldon Building. The BCS was worth preserving but it is now gone…forever. 

Dapat mapa-investigate mabuti ni Education Sec. Armin Lustro ang sunog na ito. Hindi talaga ako naniniwala na ang dahilan nito ay simpleng “faulty wiring.”

Kasama ako ng mga parents and teachers sa kanilang prayers na manatili ang BCS sa kanyang location at sana ma-reconstruct ang nasunog na Gabaldon Bldg.

Back to Homepage

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments