Deretsahan
Hingin ang SALN ng Pangasinan officials
By Bebot Villar
SALAMAT at natapos na ang impeachment proceedings ni Chief Justice Renato Corona. Halos 5 months ding sinubaybayan itong Corona-vela. Maraming mga magagandang eksena at leksyon na tumatak sa isipan ng sambayanang Pilipino.
Of course alam na ng lahat ang guilty verdict dahil sa kanyang failure to fully disclose his wealth, lalo na ang kanyang cash assets.
Subalit ang ikinaganda nito ay ang challenge ngayon na pagsisiwalat ng Statement of Assets Liabilities and Net worth (SALN) ng mga government officials, elected at appointed, down to the employees.
Ngayon, magkakabukingan na! Wala ng sasantohin.
Panahon na para tigilan ang pagsisinungaling. This time, dapat magpakatotooo na kundi may kalalagyan ang mga sinungaling.
Who enriched himself/herself in government? Gaano kalaki kaya ang dagdag na yaman nila at gaano kabilis ang paglobo ng pera nila?
Who is telling the truth? At maski yong near truth lang kasi alam naman natin na hindi naman truth and nothing but yong nilalagay sa SALN.
Madali nating makikita kung nagpayaman nga at ginamit ng isang opisyal ang kanyang pwesto sa gobyerno. For instance, sa isang mayor na nung unang pag-upo lamang n’ya ay isang lumang sasakyan lang ang gamit n’ya, baon sa utang, sa lumang bahay nakatira at nasa public school ang mga anak.
After some time, marami na ang sasakyan, magagara pa, iba na ang lifestyle, kung mamili ng properties parang mauubusan, nasa private schools for the rich and famous na ang mga anak.
Marami ang ganyan, maski dito lang sa Pangasinan. Ngayon, manginig na kayo!
* * * *
Dahil sa Corona impeachment, kabi-kabila na ngayon ang challenge sa iba’t-ibang government officials gaya sa mga senator-judges, sa mga congressmen at iba pa na ilantad din ang kanilang SALN at pumirma ng bank waivers.
Masyadong mainit ngayon ang mga mata ng publiko sa kanila.
Kaso, sa bansang ito, SALN is considered a big joke! Those who take it seriously daw are foolish.
Maybe that was before, but now no more.
Ang nangyari kay Cj Corona ay isang malinaw na hudyat sa sinseridad ng administrayon upang linisin ang gobyerno. Sana ganun nga, maski marami ang duda sa tunay at nakatagong agenda ng administration dahil sa umpisa pa lamang at hanggang maigawad ang verdict, base sa kanyang mga statements, ay makikita ang poot na nararamdaman ng Pangulo sa Chief Magistrate.
Sa Cebu, noong isang araw lamang, after the handing down of the Corona verdict, dalawa sa siyam na congressmen readily gave a copy of their SALN noong nag request ang isang local newspaper doon.
Sa atin kaya? Baka pwedeng mag initiate din ang ating publisher para mag request ng copy of SALN ng mga congressmen, governor, vice governor, board members, mayors down to the councilors natin?
Pwede kaya, Ermin? Tapos i-publish natin dito mismo. Magandang subaybayan ‘yan.
This is to keep track kung gaano sila kabilis yumaman.
The SALN is prepared under oath at pina-file every year ng public officials and employees.
Ang laman ng SALN ay declaration of assets (i.e., land, vehicles, etc) and liabilities (i.e., loans, debts, etc), including business and financial interests, of an official/employee, of his or her spouse, and of his or her unmarried children under 18 years old still living in their parents’ households.
Kasama na ang waiver a waiver authorizing the Ombudsman or his authorized representatives na kumuha ng documents na magpapakita ng assets, liabilities, net worth, business interests, at financial connections galling sa lahat ng kinakaukulang government agencies.
Ang filing ng SALN ay required within 30 days after assumption of office and every year after that on or before April 30. Kailangan ding i-file within 30 days after separation from the service.
Syempre, hindi nila isasama dyan ang mga tong-pats sa jueteng, illegal drugs, under the table deals, at iba pang pwedeng pagkakitaan.
Pero kung mabilis pa sa kidlat ang pag-angat nila sa buhay, hindi ba’t kaduda-duda yan?
Share your Comments or Reactions
Powered by Facebook Comments