Deretsahan

By May 21, 2012Archives, Opinion

Drug users in Alcala Police Station

By Bebot Villar

HINDI na shocking pag mayroong naire-report na drug user na police. Parang ordinary na pero dahil nasasabit ang Pangasinan, medyo kakaiba ang feeling ko.

Salamat sa high-tech equipment and gadgets dahil sa isang simpleng text message updated tayo sa mga latest ng ating kapulisan particularly sa ating probinsya.

Gusto ko sanang unawain na ang pulis ay ordinaryo ring tao na nangangailangan kung kaya’t nakagagawa sila ng hindi maganda paminsan-minsan pero I can feel that this reason is already over-used!

How can one explain ang tatlong police officers assigned sa Alcala Police Station na nahuling kasama sa pot session ang mga pushers at addicts sa bayan? Nasaan na ang tuwid na landas ni PNoy dito?

Bilang isang anak ng Pangasinan at matagal ng public servant, nakalulungkot sa akin ang mga balitang ganito. Dito kasi natin makikita ang galing at leadership ng pinuno, if he can set order in the community.

Kagaya ng PDEA-1 Regional Director! As of this writing, wala pa ring update sa drug problems ng Urdaneta City at Dagupan City. What’s is happening, Dir. Apalla? Are you in? Or out?

Kung maki-cooperate ka kaya sa PNP sa pag solve ng drug problem sa Pangasinan, malamang maraming solved problems, lalo na pag natulungan ka nung tatlong PO2s assigned sa Alacala Police Station!

Aba, nakiki-pag-jamming na nga ‘yung tatlo sa mga pushers at addicts sa area nila, baka naman matulongan ka nilang masabi sa ‘yo kung saan galing ang supply nila at kung sino supplier? I can give you their names, Director. Apalla, gusto mo?

*     *     *     *

Very busy ang Dagupan City ngayon kasi after the Palarong Pambansa sila pa rin ang magho-host ng 20th National Youth Congress on Drug Abuse Prevention Education from May 22-25, 2012 sa Dagupan Village Resort.

Thankful tayo sa full support ni Vice Mayor Belen Fernandez sa Dangerous Drugs Board (DDB) since I assumed the chairmanship of the DDB.   She is doing her best na maging drug-free ang kanyang syudad ngunit pag hindi mag-tutulongan, mahihirapan. 

Ito ang lagi kong sinasabi – dapat magsama-sama at magtulungan kahit saan para maging maayos ang mga pagbabagong nais nating sundan.

Lalo na sa mga panahong ito, marami sa ating mga kabataan ang nagiging victims, ginagawang pusher at user. We have to stand up and fight for them sapagkat sila ang huhubog sa kinabukasan nating mga kabayanan. That’s why it is important na maprotektahan natin ang mga kabataan ngayon.

Hindi madali labanan ang illegal na droga kaya’t parati akong nananawagan sa mga magulang na makipagisa sa amin sa laban na ito. Let us keep the family values strong para mailayo natin ang nga anak sa anumang bisyo, lalo sa illegal na droga.

Back to Homepage

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments