Deretsahan
Right move ni Pareng Spines
By Bebot Villar
MALAKI at magandang epekto sa political career ni Pareng Spines (Gov. Amado Espino Jr.) ang pag join nito sa Nationalist People’s Coalition (NPC).
Sa totoo lang, hindi naman bago sa kanya ang NPC dahil noong tumakbo s’ya at nanalo bilang congressman ng 2nd district ng Pangasinan, NPC ang political party nya.
Naglipat bakod ito sa Kampi noong hindi na masyadong aktibo sa NPC si Boss Danding Cojuangco, ang chairman emeritus ng partido.
Tumakbo s’ya noong nakaraang election sa ilalim ng Lakas-Kampi-Biskeg na Pangasinan. Itong Biskeg ang tanging provincial party ng Pangasinan duly accredited by the Comelec na ang inyong lingkod ang founding chairman nito.
At mga two months ago ay nag decide ang ating kumpareng Spines na magbalik NPC.
Right political move ito para sa akin.
Since NPC and the Liberal Party have special alliance, ibig sabihin nito, parang one big happy family sila.
Come election time, usap-usapan na hindi pa lalabanan ng LP si Pareng Spines.
Sana nga, magkatotoo ito.
Kung ganito ang magiging policy nitong dalawang kampo, malamang almost everybody is happy sa mga isinama ni Pare Spines na local officials na mag take oath din sa NPC lately.
Madaming mayors at vice mayors ng Pangasinan ang sumunod sa yapak ni Espines at nag NPC na rin. Ganun katindi ang bandwagon effect. Right now, NPC is the dominant political party sa Pangasinan.
Kapag what applies to Pareng Spines applies to everybody, matindi ‘yun. Magiging walk in the park na ang susunod na election para sa kanila.
But as I said, let’s hope this would happen.
* * * *
Sa mga napagtatanungan ko, mukhang wala pa naman di-umanong seryosong babangga kay Pare Spines. One year to go pa bago ang susunod na election at sa laki ng Pangasinan, dapat nagpaparamdam na ang mga may balak tumakbo para makipagkilala sa mga tao.
Hindi naman pwedeng parang kabute lamang ang mga ‘yan na basta na lang susulpot, di ba?
Kailangan ang matinding preparation.
Oo nga’t may mga loose talks na si ganito at ganyang pulitiko ay nagbabalak bumangga kay Pare Spines, pero mukhang kulang naman sa gawa dahil wala pang aksyon sa kampo ng posibleng makakalaban.
Kailangan double, triple, quadruple, quintuple or higit pa dyan ang effort ng lalaban kundi duduguin sya sa hirap ng kampanya, lalo’t subok na matibay at subok na matatag si Pare.
* * * *
Subalit malaking panghihinayang ang nararamdaman ko dahil mataas ang respeto ko kay Pare sa kanyang ability to maintain peace and order dahil dati syang police officer at provincial commander natin.
Para sa akin kasi, meaningless ang mga accomplishments nya sa pagpapatayo o pag-pa pa-renovate ng mga buildings and other facilities ng probinsya kung di rin nya kayang ayusin ang peace and order situation.
Sino ba naman ngayon ang hindi kakabahan dahil sa mga naglipanang riding in tandem, mga senseless killings, rampant illegal drug trading, aside from the time immemorial na illegal gambling?
Pwede kayang itong mga mayors natin at mga bokal ay tumulong naman sa laban sa illegal drugs? Kayong mga bokal, sana’y huwag naman kayong makuntento sa pag-attend nyo ng session once a week, at kadalasan ay invisible pa kayo ng ilang sunud-sunod na linggo. Nakakahiya kayo at alam kong alam nyo kung sino kayong mga tinutukoy ko!
Palakasin nyo naman ang kampanya laban sa illegal drugs dahil maraming kabataan ang napapariwara ang kinabukasan dahil dyan.
Namamayagpag ang mga drug pushers, don’t tell me na di nyo alam?
Huwag kayong mag-tanga-tangahan, mag-bulag-bulagan, mag-bingi-bingihan. Pwede?
Share your Comments or Reactions
Powered by Facebook Comments