Deretsahan

By May 7, 2012Archives, Opinion

Bagay si Sen. Ping sa DILG

By Bebot Villar

HINDI alam ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo kung ano na ang nangyari sa Loterya ng Bayan.

Inamin ito mismo ni Robredo when he came to Bugallon on May 1 as guest of honor and speaker for Pangasinan’s Pista’y Dayat celebration, particularly for the awarding for the search for the cleanest river and riverbanks among the coastal barangays and municipalities/cities.

“Hindi ko alam. I know na nasa PCSO (Philippine Charity Sweepstakes Office). I know na may plano silang i-launch pero hindi ko alam kung kailan”.

Yan ang verbatim quote mula kay secretary mismo sa short interview ng local media sa kanya.

Sa tingin ko nga, kaya natatagalan ang pag apruba sa Loterya ng Bayan ay dahil mas gusto ng karamihan ng mga opisyal natin from the barangay, municipal/city, provincial up to the national level ang isa pang uri ng Palarong Pambansa—this famous and widely patronized jueteng.

Sa Loterya, may specific percentage of sharing para sa mga social obligations ng mga opisyal at kasama na din ang kapulisan na nagbubulag-bulagan sa illegal na jueteng operation kapalit ng regular na suhol mula sa mga operator nito.

Kaso nga, mistulang “see no evil, hear no evil, speak no evil” ang mga sangkot at beneficiaries ng jueteng na yan. Mas happy sila sa jueteng kasi mas malaki ang kurakot.

It is not surprising therefore kung patuloy na namamayagpag ang jueteng sa buong bansa sapagkat mismong si Robredo na syang may hawak at control sa mga local officials at ang Philippine National Police (PNP) ay napakatahimik nito sa bagay na yan.

Magkano kaya ang dahilan?

* * *

Sana, pa haircut ng bangs itong si Robredo kasi mukhang natatakpan na ang mga mata nito kaya hindi nya tuloy makita ang mga pangyayari sa paligid niya.

Ok sana sya sa DILG kasi outstanding mayor yan dati ng Naga City at impressed naman ako kahit papano nang sabihin nya noong kakaupo lamang nya na “the campaign against jueteng should be given the same priority as the fight against illegal drugs”.

Gusto kong pumalakpak sa tuwa pero mukha namang may pagka komedyante ang mahal nating secretary kasi parang pang Klownz Comedy Bar sa may Timog, Quezon City lang ata yong mga ganung statements.

Wala naman kasing sincerity kaya sa tingin ko baku-bakong daan ang tinatahak nya, taliwas sa tuwid na daan na campaign advocacy ni President PNoy.

* * *

Kung gusto talaga ng ating Presidente na makamit yang tuwid na daan na yan, para sa akin, bagay na bagay na ilagay nya as DILG secretary si Sen. Ping Lacson.

Hindi ko personal na kilala si Senator Lacson pero sinubaybayan ko ang career nya mula pa noong PNP Chief sya hanggang maging senador sya.

Noong PNP chief si Lacson, matindi ang displina ng kapulisan. Tigil ang mga kalokohan nila lalo na sa operasyon ng jueteng.

Tinanggihan pa nga ni Senador Ping ang P5 milyon na offer sa kanya ng isang jueteng lord kapalit ng pag-bulag-bulagan na lang nya at pananahimik.

Saludo ako dyan kay Sen. Ping.

Alam ko yan dahil inamin mismo ng taong nag offer ng bribe money na yun.

Para sa akin, Sen. Ping is the right guy for the DILG portfolio.

Ito rin ang ginawa nya sa pagtanggi sa pork barrel nya bilang senador na isa ring source of corruption dahil dyan nagmumula ang malalaking poryento sa mga projects funded by that pork barrel to the detriment of the people.

I’m sure, titigil ang mga kalokohang kinakasangkutan ng mga local, provincial at national officials at mga kapulisan kung andyan si Sen. Ping.

Madidisiplina ang mga buwayang opisyal.

Ito naman kasing mga tao, panay reklamo na napaka-corrupt ng opisyal nila pero tapalan lang sila ng P200 to P500 or even higher tuwing eleksyon ay iboboto uli nila itong isinusuka nilang opisyal.

Perang galing sa masama din yang pinapamudmod sa inyo baka di nyo alam. At kadalasan ay katas ng jueteng yan!

Kaya’t hangga’t ganyan ang style nyo, asahan nyong bulok ang gobyernong meron tayo.

Back to Homepage

 

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments