Deretsahan
Ibalik ang Death Penalty
By Bebot Villar
HAPPY ako sa tagumpay ng 20th National Youth Congress on Drug Abuse Prevention Education from May 22-25 na ginanap dito sa Dagupan City.
Mahigit 250 na kabataan mula sa iba’t-ibang lugar ng Pilipinas ang nag participate sa iba’t-ibang activities—mula sa mga lectures, fun and entertainment, community immersion, educational tour—lahat upang buksan ang kaisipan ng mga delegates sa mahalagang papel nila para maging strong agents and partners to fight the evils of illegal drugs.
Ito ay nakalagay sa theme nilang “Teamwork Makes the Dream Work” and based on the results, natutuwa ako that we have achieved it.
* * * *
Naging aktibo ang mga participants sa mga discussions at open forum. Marami silang gustong malaman. Marami silang nais maliwanagan. Sa mga experiences nila sa buhay, in fact isa sa kanila ay nagkwento ng kanyang dinanas na matinding hirap sa kamay ng kanyang ina na naging drug addict.
Mahalaga rin ang mga presentations na ginawa ng Dangerous Drugs Board (DDB) na pinangungunahan ko as chairman. Ang mga nag lecture ay sina Undersecretary Jorge Necesito, executive director ng DDB, tungkol sa national drug situation with the lead agencies, ang presentation ni Director Wilkins Villanueva of the Preventive Education and Community Involvement Service ng Philippine Drug Enforcement Agency bilang implementing arm natin, ang Department of Social Welfare and Development, National Youth Commission, at iba pa na kasama natin sa congress na ito.
Nakita rin ng mga delegates ang on-going construction ng dormitory and other facilities sa Treatment and Rehabilitation Center ng Dagupan City sa Barangay Bonuan Binloc.
* * * *
Hangang-hanga ako kay Dagupan City Vice Mayor Belen Fernandez dahil all-out ang support n’ya sa anti-drugs campaign. Unlike some local leaders na puro pagkakaperahan lang ang nasa isipan, nag-aaway tungkol sa hatian ng pera o ninakaw sa kaban ng bayan, itong si Vice Mayor Belen ay consistent at very sincere sa kanyang programa against drug abuse. Ang dami niyang projects na sariling pera n’ya ang kanyang ginagastos para sa advocacy n’ya na hatakin sa tamang landas ang mga kabataan.
Indeed, she truly deserves the award DDB gave her last year in recognition of her strong campaign against drug abuse.
* * * *
Dr. Delfin Gubatan, ang officer-in-charge ng center discussed how important the facility is to their clientele—lalo na sa mga na addict na sa illegal drugs but want to go back to productive life. Ang mga nagpapa-konsulta ay hindi lang galing Dagupan but also from nearby areas in Region 1. Nakapagbigay ang DDB ng P10-million fund para sa construction ng nasabing project.
Para sa akin, biktima lang ng pagkakataon ang mga drug addicts at dapat silang i-rehabilitate subalit para sa mga drug peddlers and manufacturers, dapat the harshest penalty ang ipataw sa kanila. Marami ang nagugulat kapag sinasabi kong dapat may death penalty para sa mga convicted drug pushers dahil para sa akin, napakaraming buhay ang sinisira ng mga pushers na yan.
Because of the abolition of death penalty, tingin ng mga maimpluwensyang bansa, we have weak law enforcement kaya’t dito nila sa atin binabagsak ang mga prohibited drugs nila.
Saka, ang nakakadismaya pa kasi, rampant ang drug peddling dito sa Pangasinan mismo. Tingnan nyo ang mga seizures, patingi-tingi nga lang. Kayo ba naniniwala na magkakaroon ng bentahan ng droga sa barangay nang walang proteksyon sa mga nanunungkulan?
Ako hindi.
Para sa kanila, ang droga ay pera at dapat na may proteksyon ‘yan. Kaya imposibleng hindi alam ng kapitan ng barangay, o mga kagawad at tanod n’ya na may nangyayaring bentahan ng droga sa lugar nila. Sabi nga ng PDEA, minamanmanan daw nila ang kilos ng ilang barangay officials, isa na riyan ‘yong isang barangay captain ng Dagupan, na suspected protectors ng mga pushers.
Kapag hindi ma-control ng kapitan ‘yong drug pushing sa area n’ya, dalawa ang ibig sabihin nun: Takot syang i-control ito at pangalawa, may pinoprotektahan sya.
Siguradong kasabwat s’ya at may protection money s’yang tinatanggap. Pero, anong klaseng lider ang isang matatakutin na tao? Walang kwenta at di dapat respetohin. Sa totoo lang, pag ayaw ni kapitan ‘yang droga na ‘yan, hindi ‘yan maibebenta sa lugar n’ya. Imposibleng hindi malaman ni kapitan na may bentahan at kung sakali mang alam na n’ya at wala pa ring action, then something is really, really wrong. Minsan pa nga, nagiging family business na ang drug pushing.
Kung ayaw din ng mayor, di rin ‘yan mamamayagpag. At mas lalong hindi makaka porma ang mga drug syndicates na ‘yan kung ayaw din lalo ng gobernador.
Sa Pangasinan kaya? What’s the real score?
Share your Comments or Reactions
Powered by Facebook Comments