Deretsahan

By April 30, 2012Archives, Opinion

Bonuan Binloc, haven ng drug dealers

By Bebot Villar

NABULABOG uli ang Dagupan City police after I expressed my dismay over the non-stop selling of shabu in a Muslim community in Barangay Bonuan Binloc.

Paano naman kasi, nagiging drug haven na ang lugar na ‘yan at nakapagtataka kung bakit hindi magawan ng paraan ng pulis Dagupan.

Naalala ko pa na may apartment ang kapitan ng Bonuan Binloc  d’yan na tinirhan pa ng isang shabu queen. Worse, that kapitan claimed he didn’t know about the activities of his tenant.

Weeeee, di nga!” Yan ang sagot ng batang generation ngayon kung ganyan ang script ni Kapitan.

Nagkaroon din ng dialogue between Mayor Benjie Lim and the Muslim community, kasama syempre ang kapulisan, kung saan nag warning pa ang mayor na ipagigiba n’ya ang bahay ng sinumang Muslim family na mapapatunayang nagbebenta ng shabu.

“Shape up or ship out” ang malinaw na mensahe. Bravo! Pero bakit tuloy ang ligaya d’yan? Business as usual pa.

I remember also na nag deploy ng pwersa ng kapulisan sa lugar na ‘yan to ensure na  walang makakapagbenta ng shabu dyan. Uy, mukhang ok ah!! Pero ba’t patuloy pa ang illegal drug trade dyan?  Ano yun, joke, joke, joke lang pala ang usapan?

*       *        *        *

As Dangerous Drugs Board chairman, talagang concerned ako dyan dahil sarli kong probinsya ang involved.

We have to be very serious in our fight against illegal drugs because it is a very serious problem.

Kaya kumbaga sa pako, kailangan ng martilyohin si Supt. Romeo Caramat, hepe ng Dagupan police station, para bumaon sa utak nya ang mensaheng nais kong iparating.

Naghihintay ako hanggang ngayon sa totohanang action ni Bong Caramat. Sa totoo lang, nasubukan ko na rin ang kalibre ni Bong na magtrabaho kaya I’m challenging him now to show his sincerity and dedication to his job bago s’ya mag goodbye sa kanyang pwesto in few months’ time.

Ayon sa aking very reliable sidekick, pinatawag uli ni Bong noong Lunes ang mga Muslim leaders sa Binloc upang muli silang gisingin sa kanilang agreement.

Bong, what went wrong?

Sa pagsugpo sa droga, dapat lalaki sa lalaki ang usapan. Bawal dito ang bakla at lampa!

Ito ang bahagi ng sinabi ni Bong sa interview sa kanya ng aking sidekick noong Martes. “Pero sila (Muslim leaders) hindi sila tumutupad so yun, pinatawag ko sila kahapon dahil nakakahiya so dahil nga dun sa comment ng mahal nating DDB chairman na itong Bonuan Binloc ay hindi pa rin tumitigil so I hope na in the future, itong mga darating na araw, ay mas magiging epektibo yong kampanya namin sa Binloc”.

Inamin din ni Bong na totoo yong sinabi kong tingi-tingi lang or “point-point” lang ang nahuhuli nilang shabu.

Kakulangan daw sa pondo ang dahilan at personal money na daw ng mga kawawang pulis natin ang ginagamit nila as buy-bust money. Pati nga daw incentive na dapat nilang ibigay sa mga asset nila ay halos wala na rin daw silang maibigay pati yong pang intel fund nila.

Ito ang dapat tignan ng mga nasa PNP hierarchy at mga local officials din dahil they must realize na karamihan sa mga crimes happening are drug-related.

Kung magulo ang lugar, naglipana ang mga pushers, maraming drug addicts, walang silbi ang lahat ng pinagpapaguran nila.

Back to Homepage

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments