Deretsahan
Wish list para sa next PD
By Bebot Villar
IT’S almost three weeks now pagkatapos na tanggalin as police provincial director ng Pangasinan si Sr. Supt. Rosueto “Boyet” Ricaforte.
Pero wala pa ring kapalit si Boyet bagama’t in effect na ang kanyang relief order since April 2.
Officer-in-charge lang ang namumuno sa ating kapulisan sa Pangasinan. But why?
Mukhang hindi nasunod ang protocol sa pagpalit ng PD kaya naharang ang pag-upo ng itinalaga ng Camp Crame na si Sr. Supt. Mariel Magaway.
But according to my source, some quarters close to Malacaňang want a police officer close to a former provincial official as Boyet’s successor.
If true, madali namang basahin na ibig sabihin nito ay bahagi ito ng grand plan for the 2013 elections.
Alam ko si Pareng Espines, our gov, is well aware sa mga ganyang laro kaya I’m sure he knows how to assert his right to choose the next PD. Kumbaga sa pagsagot sa exam, dapat multiple choice at select the best answer!
* * * *
Kung sino man ang next PD, ito lang ang top five sa wish list ko para sa kanya:
1. Sana masipag pumunta sa office n’ya (di tulad ni Boyet na saksakan ng katamaran at madalang pa sa bagyong signal number 3 kung magpakita sa kampo).
2. Sana hindi siya addict sa sabong at casino (di tulad nitong papalitan n’ya na ayon mismo sa isang kakilala kong casino owner sa Clark ay palagi raw itong sa kanyang pasugalan. Saan kaya n’ya kinukuha ang pantustos nya sa bisyo nya?).
3. Sana magsumikap na gawing number one uli in the country ang Pangasinan Police Office (dahil pinabayaan nitong si Boyet ang karangalang pinagsumikapang makamit ng mga past PDs).
4. Sana madagdagan naman ang mga solved cases sa pamamagitan ng magandang pagtutok ng next PD sa kanyang mga kapulisan.
5. Sana gawing makatotohanan ang laban sa illegal drugs at illegal numbers game para naman hindi magmukhang kenkoy ang next PD na bagay maging extra sa Klownz Comedy Bar sa Quezon City.
* * * *
ILLEGAL ANG JAI-TENG. Hanggang ngayon ay naghihintay pa rin ako sa sino mang makakapagbigay ng copy ng permit issued by their mayor sa kanilang bayan to operate jai-alai o jai-teng (kunwaring jai-alai na jueteng din naman).
We know na malaking kalokohan lang ‘yan dahil may decision na ang korte na illegal ‘yan and yet pikit-mata pa rin ang mga ilang mayors na nag issue ng permit para kumita.
Kung ang mga Pangasinan ay talagang gusto ng good governance, kailangan may ma-sample-an na mayor na kasuhan sa Ombudsman so they will learn their hard lessons.
Ang problema kasi, panay dakdak lang ang ibang kabaleyan natin at kung seryosong usapan na, nawawala na. Wala ng pakialam, takot makipaglaban.
Tapos pag dating uli ng eleksyon, mabigyan lang ng tig P300 to P500 ng bugok na kandidato or mayor seeking re-election, ok na ok na sila.
Kaya malakas ang loob ng mga mayors na gumawa ng kalokohan ay dahil alam nilang matatakutin ang mga provincemates natin. Kaya kung mananatili tayong bulag, pipi at bingi sa mga maling nangyayari sa paligid natin, bahala kayo sa buhay nyo!
Kung mahal natin ang Pangasinan, totohanin na natin ang pagtulong sa ating probinsya. Kagaya ng laban sa droga, very obvious na ang mga taong involved sa droga ay may mga connect sa high-ranking officials kaya hindi maubos ang problema. Ituro natin sila!
Sabi nga ni Edmund Burke, “All that is required for evil to prevail is for good men to do nothing.”
Share your Comments or Reactions
Powered by Facebook Comments