Where do I file a complaint?

By January 18, 2008Punch Forum

Jovito T. Ellorda
17 Jan 2008

 

 

ito po ay follow-up lamang ng aking post…

dapat talagang masampolan itong Goldilocks Restaurant na ito, isipin nyo na lang, isa itong malaking kumapaniya sa Pilipinas pero HINDI sumusunod sa batas…paano pa susunod ang isang ordinaryong mamayan ng Dagupan City kung mismong malalaking kumpaniya ay HINDI sumusunod?..lahat daw ng Goldilocks sa Pilipinas ay ganito ang patakaran ayun sa Store Supervisor nila…alam nyo ba ang masaklap? meron pang nakapaskil sa harap ng cashier counter nila about 20% discount ng SENIOR CITIZEN at wala po dun ang sinasabi nilang may limit ang purchase ng bawat SENIOR CITIZEN na hanggang 150 pesos…

alam kong maliit lang ang 20% na SENIOR CITIZEN discount, pero BATAS sa Pilipinas ang pinag-uusapan dito. Batas na dapat sundin ng sinumang nagne-negosyo sa Pilipinas…kundi natin itatama ang maling sistema nila, KAILAN PA?

kaya minsan mas maraming Pinoy ang gusto na lang manirahan sa ibang bansa dahil sa mga ganitong sistema natin eh…

SAAN PO BA AKO PWEDE MAG-FILE NG COMPLAINT AGAINST GOLDILOCKS RESTAURANT?

Salamat po…

 

(Editor’s Reply: You may file complaint with Department of Trade office in Dagupan City)

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments